🦋🦋🦋
PAMAGAT
🤡 Ang pamagat ng iyong nilathalang kwento ay isa sa mga nakaka-engganyo na mabasa ang iyong ginawa.
A. Huwag masyadong mahaba ang pamagat 'Nang pinatay ako ng ex-bf ko' o 'Madilim na Gubat ng Brgy. Pansol' iyan ang mga halimbawa na hindi mo maging pamagat.
B. Mahalaga sa pamagat kapag nakalink ito sa iyong nilathalang kwento lalong-lalo na sa blurb.
C. Hindi partikular ang naisipan ninyong pamagat. Mga kakaiba na wala pang nakaka-isip gamitin, nahihiwagaan ang ibang mambabasa kapag kakaiba sa kanilang nakikita.
BLURB
🤡 Ang blurb o maiksing deskripsyon sa iyong gawa na magbibigay ligaya o linaw mula sa iyong ginawang kwento.
A. Hindi mo kailangan ng napakahabang blurb masabing maganda ang iyong nilathala.
B. Huwag mo na ilagay ang dialogue ng mga karakter kung hindi naman ito nakalink sa kwento mo.
C. Siguraduhin na maiksi ang gagamitin dahil kung ito ay mahaba pupunta na ito sa prologo o prologue ng pahina ng libro.
WORLD BUILDING
🤡 World building/Settings o Lugar ng inyong kwento ang magpapaliwanag ng nadarama ng iyong mga karakter.
A. Kapag gumagawa ng isang lugar ng kwento mo sisiguraduhin mong deskriptive, dahil doon mo lamang matutulungan ipa-imagine sa mga mambabasa mo, ang lugar kung na saan ang iyong karakter.
B. Huwag kakalimutan kung gabi, umaga, hapon, madaling-araw o tanghali, pati kung ma-araw, makulimlim o maulan, dahil papahirapan mo lamang ang iyong mambabasa kung hindi masasabi ang oras o panahon.
BINABASA MO ANG
Unveiling the Horror Within
HororThis book contain various tips and minimal trivias which regards to the genre of Horror. The main purpose of this book was to provide guidelines and tips for the aspiring or professional writers to gain some knowledge on the track of Horror genre. F...