🦋🦋🦋
COVER/PABALAT
🤡 Ang pabalat ay mahalagang dagdag pang-akit sa iyong nilathalang kwento.
A. Simple at horror-related ang napiling cover ng iyong kwento.
B. Siguraduhin na ang pabalat ng iyong kwento ay hindi pagkakamalang ibang genre, dahil ang iisipin ng mambabasa na hindi horror genre ang kanilang binabasa.
C. Ang pagkakasulat sa pabalat ay dapat hindi masakit sa mata ng makakakita. Kung madilim ang likuran subukang maliwanag ang sulat sa pabalat, kung malinaw ang likuran ay dapat itim o madilim ang sulat sa pabalat.
KARAKTER
🤡 Ang karakter ang bubuhay sa mundo ng iyong kwento at pinopokusan ng iyong mambabasa.
A. Huwag gawing over-power ang iyong karakter na ginawa dahilan sa magiging isa itong dahilan na hindi na basahin pa ng mambabasa ang iyong gawang kwento.
B. Kung ang MC mo ay kabilang sa villain mas nanaisiin ng mambabasa ang na hindi ito malakas o over-power na kulang na lang ay wala ng makakatalo o pipigil sa kanyang kagustuhan.
C. Tipikal sa horror genre na maging MC nila o main character ay kalaban na ikukuwento rin ang pinagdaanan sa buhay, pero sisiguraduhin na malaman ninyo ang bawal sa Wattpad na hindi kailangan ang masyadong madugo o deskriptive na mutalation ng isang karakter dahilan, at ipinapupunyagi mo ang biyolente sa iyong nilathala.
PROLOGO/PROLOGUE
🤡 Mas kilala bilang isang teaser ng kwento na nakalink, nagbibigay ng detalye at iba pang impormasyon ukol sa inyong kwento.
A. Hindi kailangang sobrang haba ng prologo.
B. Maaari itong lumabas sa kabanata ng inyong kwento.
C. Pwedeng isama ang dialogo ng mga karakter o isang pangyayari sa inyong prologo na dito sa prologo iikot ang inyong kwento.
D. Ang pinagka-iba ng deskripsyon at prologo; ang deskripsyon ay summarize ng iyong kwento, habang ang prologo ay iikutan ng iyong istorya.
BINABASA MO ANG
Unveiling the Horror Within
TerrorThis book contain various tips and minimal trivias which regards to the genre of Horror. The main purpose of this book was to provide guidelines and tips for the aspiring or professional writers to gain some knowledge on the track of Horror genre. F...