CHAPTER 13: CHRISTINE JOANNAH

13 1 0
                                    

Walang patid ang pagpatak ng luha ko habang hinahatid si Christian sa kanyang libingan. Wala nang sasakit pa nang mawalan ng mahal sa buhay. Ngayon nag iisa nalang ako.

Christian, pasensyahan mo na si ate, mas inuna niya kasing matulog kesa sunduin ka. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, di nalang sana ako umuwi at inantay nalang kita hanggang matapos ang klase mo. Ikaw naman, kadaya mo, iniwan mo nang biglaan si ate. Paano na ako? Ang sakit lang kapatid ko, na hanggang dito lang buhay mo. Ang sakit lang, na di na kita makakasama, tulungan mo akong bumangon, parang di ko kaya to.

"Tama na CJ. Payapa na ang kapatid mo ngayon.",tugon ni tita Selena habang hinihimas ang likod ko.

Ngayon ko lang nalaman, na ang buhay ay puno ng mga bagay na walang kasiguraduhan. All in life is uncertainty and the only one that is certain in this world is that we live to death. No one knows kung hanggang kailan sila mabubuhay, kung hanggat kailan sila mananatili sa mundong puno ng walang kasiguraduhan.

Nang matapos ang libing ni Christian, di ko alam kung saan pa ako tutungo, nawalan ako ng direksiyon sa buhay ko ngayon, at di ko alam kung saan ako magsisimula.

"CJ? Pahinga ka muna. Alam kong di ka pa nakakatulog ng maayos.",sambit ni tita Selena nang makauwi kami sa bahay nila.

"Ok lang po ako Tita.",sagot ko sa kanya habang pilit na pinipigilan ang luha kong bumagsak.

"Its ok, i know what you feel now, its ok to cry but the its not okay if your life stop its because of this.",pagkatapos ay tumabi ito sa akin.

"You have me, you can cry at my shoulder my dear.",at sa pagkakataong iyon di ko na napigilan ang luha kong muling pakawalan.

"Tita salamat po."

"Sige na, magpahinga kana.",pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto.

Ang akala ko, matutupad ko ang mga pangarap ko kasama ang kapatid ko. Akala ko, at the end magiging masaya kaming dalawa, pero bat ganun? Parang bumabaliktad lahat ng inaakala ko.

"Ate!!"

"Ate!!"

"Christian? Ikaw ba yan?"

"Ate, huwag ka nang umiyak, sige ka papangit ka niyan!",sabay ngiti nito.

"Akala ko di na kita makakasama, bat mo iniwan si ate?",nag uunahang pumatak ang mga butil ng luha ko habang niyayakap ko siya ng mahigpit.

"Ok lang yan ate, matapang ka naman, kaya kayang kaya mo yan. Basta tandaan mo, hindi dito matatapos lahat ng pangarap mo. Fighting lang ate, nawala man ako sa tabi mo, hindi naman kita iiwan ate, nandito lang ako, isang guardian angel mo, kaya dapat matupad mo yung mga pangarap mo, dahil kung hindi, malukungkot ang guardian angel mo, sige ka, magtatampo ako, gusto mo yun?",napatawa naman ako sa sinabi niya.

The King Of Demon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon