CHAPTER 9: CHRISTINE JOANNAH

10 2 1
                                    

"CHRISTIAN!!!!"

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong nag iinit ang buong paligid ko. Agad kong minulat ang mga mata ko, at agad akong napabalingkwas ng makita kong nagliliyab ang na ang bubong ng bahay. Agad akong napatingin sa orasan. Three oclock.

"Bilisan mo! Lumabas kana.!",agad kong utos sa kanya.

"Labas na tayo ate!"

"Mauna kana!! Bilisan mo! May kukunin pa ako!",agad ko namang sumbat sa kanya. Ngunit hindi siya gumagalaw, nanatili lang itong nakatayo at nakatingin sa akin.

"Tulungan na kita ate!",tugon nito.

"SABING LABASSSS!! LUMABAS KANA! BILISAN MO!!!!!!",pagkatapos ay pinagtutulak ko siya. Nang makalabas siya, muli naman akong pumasok sa loob para kunin ang mahahalagang gamit namin, lalo na ang perang tinatago ko sa aparador.

Habang inaabot ko ang bag ni Christian, biglang bumagsak sa harap ko ang isang nagniningas na kahoy, agad akong napaatras, ngunit nadaplisan ang kamay ko.
Nang makuha ko na ang mahahalagang gamit, agad na akong lumabas ng bahay.

"Ate!! Ok ka lang? Baka nasaktan ka?",pag aalala sa akin ni Christian nang makita niya akong lumabas ng bahay.

"Ok lang ako."

"Eto yung mga gamit mo sa school.",pagkatapos ay iniabot ko sa kanya ang mga gamit niya.

"Ate! May sunog ka! Bat naman kasi pumasok kapa para lang kunin ang mga toh! Paano pag may masamang nangyari sayo!",maluhaluhang sambit nito sa akin. Medyo ramdam ko nga ang pagkapaso sa balat ko pero ok lang, ang mahalaga, nakuha ko ang mga gamit na pwedeng isalba.

"Ok lang ako, malayo to sa bituka.",agad ko namang sambit sa kanya.

Maya'y biglang sumigaw si kuya Harold.

"CJ!, pakitignan nga muna si bunso. Babalikan ko lang si Kyle.",pagkatapos ay binuhat ko si Axy. Si kuya Harold ay isang maaasahang kapitbahay. Katulad namin, namatay din ang kanyang asawa muna sa sunog, tanging ang dalawang anak niya lang ang nakaligtas sa sunog.

Maya maya'y natanaw ko na si kuya Harold, papalapit sa kinaroonan namin bitbit ang 7 taong gulang na si Kyle.

Wala kaming ibang magawa kundi pagmasdan ang nasusunog naming tahanan. Muli akong nakaramdam ng kirot at sobrang takot. My greatest fear is now happening again.

Lumipat kami sa evacuation site. Halos lahat ng nasa slam area ay naroon. Unti unti kong pinagmamasdan ang mga taong takot at may pangungulila. May mga taong namatayan sa sunog, natupok ang bahay, at nawalan ng tirahan.

"Ate, gamutin mo na yang sugat mo.",sambit ni Christian habang binababa niya ang kanyang buhat buhat na gamit.

Saglit kong tinignan ang sugat ko, hindi ako nakaramdam ng sakit at kirot mula sa sunog kong balat, bagkus, sakit mula ito sa pangyayaring ayaw kong maranasan at nais kong kalimutan.

Umaga na, pero kitang kita parin ang maitim na usok sa kalangitan na nagmumula sa aming mga nasusunog na tirahan. Saan na naman kami magsisimula neto? Hanggang sa bigla kong naalala ang ginang na nag alok sa akin ng trabaho.

The King Of Demon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon