CHAPTER 19: CHRISTINE JOANNAH

31 3 1
                                    

"Ma! Pa! Christian!",mabilis akong tumakbo patungo sa kanila. Agad ko silang niyakap ng napakahigpit.

"Ma! Pa! Miss na miss ko na kayo. Ikaw din Christian!",pagkatapos ay nag uunahang pumatak ang luha ko habang mahigpit parin akong nakayakap sa kanila.

"Ate, kamusta kana?",tanong sa akin ng kapatid ko, agad naman akong kumawa at humarap sa kanya.

"Hirap na hirap ang ate, kasi naman iniwan niyo na ako lahat. Nakakalungkot, mag isa nalang.",hindi ko mapigilan ang hindi umiyak sa harap nila. At ngayon, muli ko silang nakita at kasama.

"Anak, kaya mo yan. Matapang ka kaya.",tugon naman ni Mama.

"Hindi na Ma, ang akala ko kaya ko, pero hindi pala."

"Anak, mali ka. Alam mo bang proud kami ng mama mo, kasi kahit naiwan namin kayo ng maaga, nagawa niyo parin bumangon.",tugon naman ni papa. Pareho silang nakangiti sa akin ni mama.

"Ma, Pa, huwag niyo na ako iiwan. Hindi ko kaya.",pagkatapos muling nagbagsakan ang luha ko. Agad naman hinimas ni mama ang likod ko.

"Hindi ka namin iiwan. Lagi lang kami sa tabi mo. Kaya mabuhay kang maayos. Ituloy mo ang mga pangarap mo sa buhay."

"Ma, wala na akong pangarap, ang gusto ko nalang ngayon ay makasama at mabuo na ulit tayo.",agad ko naman tugon sa kanya.

"Anak, hindi pa ito ang tamang panahon para muli tayong magkasama. Sa ngayon kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo.",nakatingin lang ako sa kanila, bahang nagtutubig parin ang mga mata ko.

"Ayokong ipagpatoy ang buhay ko. Talo ako. Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili kaya paano ko ipagpapatuloy Ma, Pa?"

"Ito ang tatandaan mo, matapang ka anak. Huwag mong hayaan matalo ka sa laban. You are precious, that no one can drag you down. Lumaban ka at huwag mong hayaang tapakan ka ng iba.",pagkatapos at hinaplos ni mama ang buhok ko. Walang tigil naman ako sa pagluha.

"Mahal na mahal ka namin CJ, andito lang kami para sayo, mabuhay kang masaya anak.",muli ko silang niyakap ng mahigpit.

"Ma, Pa, Christian! Lagi niyo akong bantayan!",pagkatapos unti unti silang naglaho sa paningin ko.

"Maa!! Pa!! Christian!!",yan ang huli kong sambit bago sila tuluyang maglaho.

At nang magising ako, ramdam kong basa ang muka ko. Agad mo itong kinapa at pinunasan. Agad akong tumingin sa labas, at nakatingala sa kalawakan.

Ma, Pa, Christian, huwag niyo akong pababayaan. Manatili lang kayo sa tabi ko habang pipilitin kong mabuhay at bumangon. Aantayin ko ang araw na muli ko kayong makakasama. Mahal na mahal ko kayo.

The King Of Demon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon