CHAPTER 4: CHRISTINE JOANNAH

10 1 0
                                    

Maaga akong gumising at nagluto ng umagahan. Nang matapos kong magluto, naligo muna ako saglit pagkatapos ay ginising ko si Christian.

"Maligo kana, para maaga kang makapasok. Bilisan mo, para sabay tayo.",pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at inayos ang baon ni Christian. Tuwing lunes hanggang biyernes lagi kong pinapabaunan ang kapatid ko, dahil minsan, ang mga nakakain niya ay hindi nakakabuti sa kanya.

"Halika kana dito para makakain na tayo.",pagkatapos ay umupo na sa harap ko si Christian.

"Sumabay kana sa akin."

"Tapos umuwi ka agad mamaya pagkatapos ng klase niyo.",pagpapaalala ko sa kanya.

"Oo, paulit ulit naman ate ehh. Memories ko na mga sinasabi mo sa akin.",tugon naman nito.

"Wala akong pake, kahit na mamaster mo lahat ng sinasabi ko. Basta sundin mo yung mga sinasabi ko.",tumango lang siya bilang tanda ng pag sang ayon.

Pagkatapos naming mag umagahan, sabay kaming pumasok. Sumakay kami sa pedikab, patungong school ni Christian.

"Ate pasok na ako.",pagpapaalam niya sa akin. Nang makapasok siya sa gate, agad naman akong nag abang ng taxi, medyo malayo layo pa kasi yung pinagtratrabahuan ko.

Agad naman akong nakasakay ng taxi. At nang makarating ako, mabilis akong nagtungo sa locker. At nagulat ako nang madatnan kong naroon lahat ng janitor. Agad naman akong lumapit.

"Ate Vicky, anong meron?",tanong ko sa isang janitor na palagi kong kasama.

"Magpapameeting daw yung HR, i rereshuffle na naman ata yung schedule natin.",sagot naman niya.

"Huh? Bakit daw ate? Diba wala pang isang buwan yung schedule natin."

"May nag resign kasing dalawa, kaya mag rere schedule ata ulit."

Maya maya dumating na si Maam Grace, ang nag susupervise sa mga janitor.

"Kaya ako nag patawag ng meeting, ay dahil mag rereshuffle kayo ng schedule at area. Yung dalawang naka assign sa Office ni Sir Sayk nag resign its because of some reason. So ngayon, kailan kong mag assign ulit para sa office ni Sir Sayk"

"Hindi naman mag iiba lahat ng sa inyo. Maybe, 2 or three of you lang mag iiba ang area na lilinisan.",bigla akong nakaramdam ng kaba. Sabi sabi kasi ng ibang kasamahan namin, masungit daw at terror ang may ari ng kumpanya. At ayon din sa dalawang na assign nuon dun, kaya daw sila nag resign ay dahil hindi nila nakayanan ang attitude ni sir Sayk

"Cj, baka naman tayo ang ma assign.",tugon ni ate Vicky.

"Sana huwag muna ate, masungit ba talaga si Sir Sayk?",tanong ko sa kanya. Sa totoo lang kasi hindi ko pa ba memeet ang may ari ng kompanyang pinapasukan ko. May nagsasabing kung gaano siya pinagpalaga sa itsura, ganun naman daw kasama ugali niya.

"Oo, pero huwag kang matakot, basta gawin mo lang ng maayos yung trabaho mo.",tugon naman nito.

"Teka ate, pogi din daw? Hindi ko pa nakita eh.",bigla akong nakaramdam ng hiya nang tanungin ko iyon.

"Oo, basta ikaw na mag judge kunv sakaling makita mo.",mapakla akong ngumit kay ate Vicky. Huwag naman sana ako ang ma assign dun. Baka hindi ko rin matiis.

"Ms. Vergara at Ms. Vicky, total kayo ay hindi pa matagal, i will assign you to CEO office.",biglang nanikip ang dibdib ko. Inhale exhale, wala kang sakit sa puso CJ kaya relax lang.

"I want you to know na strikto si Sir Sayk. Ayaw niya sa magulo at madumi. And i want to remind you both, na 8 A.M. ang pasok ni Sir Sayk, so before he arrive at his office, dapat malinis na at maayos and then after that, lilinisin niyo rin ang office niya pag nag out na niya. This means, naka depend ang out niyong dalawa sa kanya. Is that clear Ms. Vicky and Ms. Joannah?"

"Yes maam.",tugon namin ni ate Vicky.

"Dont worry, pag nagustuhan ni Sir Sayk ang performance niyo, he will give you additonal salary."

"Ok, please return to your area now. And both of you.",pagkatapos ay tumingin siya sa amin.

"I think kaya niyo pang linisan ngayon ang office niya. Its about 6:30 so you have 1 hour and 30 minutes to clean his office. Proceed now.",agad kaming nagmadali ni ate Vicky. Nang makarating kami sa harap ng office niya, pinalibot ko muna ang paningin ko. Hindi ko kasing maikakaila na malaki ang office niya. Kung titignan, siya ang may pinakamalaking office sa lahat ng office na na assign ako.

Nang pumasok kami sa loob, namangha ako nang makita ko ang loob. Malaki nga ito kumpara sa inaakala ko. Mamahalin at antique lahat nang nasa loob. Parang nakatakot tuloy galawin ang mga gamit niya.

Agad naming sinimulang maglinis, sobrang ingat na ingat kami ni ate vicky sa mga gamit niya, kaya naman natagalan kami sa paglinis.

"Ate, eight na, Tara na.",tumango naman si ate Vicky pagkatapos ay mabilis kaming lumabas, ngunit bago pa kami makalabas, agad na bumukas ang pinto, napayuko nalang ako para itago ang kaba kong nararamdaman.

"Get out! Now!",halos malaglag ang puso nang marinig ko ang pag taas ng boses ng isang lalaki. Maganda sana sa taenga ang boses niya kung kalmado dahil meron siyang medyo hasky at malamig na boses, kaso hindi eh, tumaas kasi boses niya at mukang galit.

"Sorry Sir.",pagkatapos ay mabilis kaming lumabas ni ate Vicky. Hanggang sa makalabas kami ng office nakayuko parin ako.

"Itaas mo na yang ulo mo.",agad ko namang tinaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko.

"Siya ba yung may ari ng kompanyang to?"

"Hindi mo siya nakita kasi nakayuko ka."

"Napayuko ako kasi natatakot ako."

"Hindi naman siya nakakatakot ehh. Sa boses siguro niya, matatakot ka, pero hindi sa muka."

"Talaga? Mukang angel ba?",pagkatapos ay ngumiti sa akin si ate Vicky.

"Oo, kaya ikaw, next time huwag ka nang yumuko, para makita mo siya.",tumawa lang ako pagkatapos ay tumuloy na kami ni ate, pagkatapos naming mag linis sa office ng CEO, sa lobby naman kami sumunod na naglinis kasama ang ilan pang naka assign duon.

Sumapit na ang 5 P.M. pero mukang hindi pa nag ouout si Sir Sayk. Dapat sa ganitong oras nag aabang na ako ng masasakyan pauwi. Marahil ay nasa bahay na si Christian.

"Ate, baka naman gabihin tayo dito. Wala pa naman kasama yung kapatid ko sa bahay."

"Ganto nalang, mauna ka, ako na muna maglilinis total malapit lang bahay namin, ehh ikaw malayo. Kaya sige na, ako nalang muna ngayon.",tugon ni ate Vicky.

"Cge ate, salamat ahh. Babawi ako sa susunod. Mauna na ako."

Nang makalabas ako ng building, agad akong pumara ng taxi, hindi rin kasi ako makaka antay ng pedicab, kaya kahit medyo mahal mag taxi, pumara nalang ako para si ako gabihin ng uwi, lalo't hindi ko pa naman naibilin ang kapatid ko sa kapitbahay namin.

The King Of Demon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon