CHAPTER 6: CHISTINE JOANNAH

7 1 0
                                    

Nang makauwi ako sa bahay, nadatnan ko roon ni Christian na tulog.

"Huy! Christian, gumising ka nga. Bawal matulog pag takip silim na."

"Bangon ka! Bangooonnnn!",nakasimangot siyang bumangon pagkatapos ay umupo.

"Parang late ata uwi mo ngayon ate ah. Dati dati pag kauwi ko, ilang saglit meron kana, ngayon, natulugan na kita kakahintay."

"Yieee, ate ah, parang may naamoy ako.",pagkatapos ay paasar siyang ngumiti.

"Hoy ikaw! Kung ano anong pumapasok sa itak mo! May nalalaman laman ka pang amoy ahh..!"

"Ikaw ang nangangamoy, kaasim mo!",sumbat ko sa kanya. Hindi naman nawala ang mapang asar niyang ngiti sa akin.

"Mula ngayon, ma lalate na ako palagi ng uwi.",tugon ko sa kanya.

"Yiee, bakit ate, pumapag ibig kana ba? Pakilala mo naman ako ohh.",mabilis kong pinignot ang taenga nito.

"Aray ko naman ate, bat ka pikon? Totoo siguro no?",muli niyang sagot sa akin.

"HINDI!!"

"Nag iba ang routine ko at schedule kaya ma lalate na ako ng uwi mula ngayon. Kaya ikaw, umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase niyo at huwag kang aalis ng bahay. Ok lang kung mangapit bahay pa para makipaglaro pero diyan lang.",pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ay ganun? Akala ko kasi pumapag ibig kana."

"Hysst. Mag bihis kana nga, para malabhan ko na yang uniform mo."

Agad namang magtungo sa kwarto at nagbihis, pagkatapos ay ini abot niya sa akin ang uniform niya.

"Mag saing kana rin, tapos mag prito ka nalang ng itlog at tuyo."

"Ubos na yung itlog ate, yung tuyo may apat na piraso pa."

"Bili ka diyan sa kanto. Bili ka ng apat. Kuha ka sa bag ko ng pambili.",

Nang matapos kong labhan ang uniform ni Christian, sakto naman nakaluto na ito.

"Ate, may pera kaba?",panimula niya habang sabay kaming kumakain.

"Bakit? Meron akong ipon diyan. Pero para sa gamot mo.",sagot ko naman sa kanya.

"Balak ko sanang magkaroon ng cellphone. Kasi yung mga kaklase ko may cellphone, ako wala.",sagot naman nito.

"Naku Christian, wala pa akong pambili, saka ung ipon ko diyan naka badget para sa pag aaral mo, sa gamot at pang gastos dito sa bahay.",nakita ko naman ang pag kalungkot sa muka niya. Alam kong needs niya rin ang gadget, dahil sa panahong ito, uso na ang modern technology kaya naman naiintindihan ko kung bakit nais niyang magkaroon ng cellphone.

"Hayaan mo, kung tataas yung sweldo ko, pag iipunan ko ang pambili ng cellphone mo."

"Anong brand ba ng cellphone ang gusto mo?",tanong ko sa kanya, nawala naman ang lungkot sa mga mata niya.

"Kahit yung parang sayo lang ate, sapat na sa akin yang cherry mobile.",sagot naman nito.

"Hysst, salamat naman. Akala ko pipiliin mo ang mga mamahaling cellphone ehh.",agad naman tumawa si Christian.

"Yan ang akala mo ate, syempre lahat ng bagay nag sisimula sa simple, kaya ngayon, Cherry Mobile, tapos magiging Oppo, tapos susunod Vivo tas susunod Huwaweii or Samsung tapos last, IPHONE.",diniinan pa niya ang pagkakasabi niya sa last.

"Sympre, kung gusto mong mag improve, mag sumikap ka."

"Oo naman, tapos pag successful na ako someday, hindi kana mag tratrabaho, mag pahinga ka naman at ako naman magtratrabaho para sa atin.",bigla akong naluha sa sinabi niya. Naiisip niya rin pala ang mga bagay na yun. Ok lang naman na ako ang mag hirap para sayo, basta makita lang kitang maging successful paglaki mo, kuntento na ako.

The King Of Demon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon