CHAPTER 2: CHRISTINE JOANNAH

19 4 0
                                    

"Christian!! Ano ba! Di ka paba babangon diyan?!",halos dumagundong ang boses ko sa loob ng barong barong naming tahanan.

" 5 minutes pa ate! Inaantok pa ako.",mabilis kong pinasok ang mallit naming kwarto at nakita kong nakatalukbong pa siya.

"Babangon ka diyan! O bubuhusan kita ng malamig na tubig!",nakapameywang ako habang nakatayo sa harap niya at tinitignan siya. Agad niya namang tinanggal ang kumot at tumingin sa akin.

"Kahit kailan talaga ate napaka terror mo.",nakasimangot ito habang nakatingin sa akin. Tumaas naman ang kaliwang kilay ko at tumingin sa kanya.

"Bangon! Bilis! Ma lalate ka na naman sa klase mo!",agad naman siyang bumangon dahil alam niyang galit na ako. Kahit kailan talaga napakahirap gisingin ng kapatid ko.

Ako si Christine Joannah for short CJ. Isa akong janitress sa isang malaking companya. Ulila na kaming lubos ni Christian. I was 16 nang mamatay ang magulang namin sa isang sunog. Kami ng kapatid ay nakaligtas dahil wala kami sa bahay nang mangyari ang sunog. My brother was only 7 years old nang maiwan kami, kaya naman kinakailangan kong huminto ng pag aaral at alagaan ang kapatid ko. Nag hanap ako ng trabaho para tustusan ang pag aaral ni Christian. Lahat ng pwedeng pagkaperahan pinasok ko, para lang may makain kami at masilungan na tahanan.

"Christian! Halika ka! Kain na. Kumain ka muna bago pumasok.",pagkatapos ay lumabas na ito sa kwarto at nakabihis na. First year high school na siya ngayon.

"Anong ulam ate?",tanong nito.

"Gulay. Nag pakbet ako.",kitang kita ko kung paano kumunot ang noo nito.

"Gulay na naman? Purgang purga na ako ng gulay ate. Wala bang karne diyan.",tugon nito.

"Bawal ka sa karne. Mas maganda sa katawan ang puro gulay kesa puro karne. Kaya kumain kana diyan, bago pa yan lumamig.",agad naman akong umupo sa harap niya. Magkasalo kaming kumakain ngayon ng umagahan.

Nang matapos kaming kumain, agad kong niligpit ang pinagkainan namin.

"Ate, mauna na ako. Papasok na ako."

"Sigeee, ingat ka. Umuwi ka pagkatapos ng klase niyo.",pagkatapos ay pumasok na din ako sa kwarto para magbihis. Isa akong janitress sa isang companya. Sapat na akong sahod ko para ipamtustos sa pag aaral at gamot ng kapatid ko. Kahit na kung minsan, nagkukulang din, nagagawan ko naman ng paraan.

Pagkatapos kong mag ayos, lumabas ako ng bahay at naglakad patungong kanto para sumakay, wala kasing sasakyan na pumapasok sa eskinita, kay naman kinakailangan mong lumabas sa highway para sumakay.

Nang makarating ako sa building, agad akong pumasok at dumiretso sa locker ko para magbihis.

Pagkatapos ng working hour ko, pagod akong nag aantay ng sasakyan. Minsan kasi walang padicab na dumadaan dito pag 5 na ng hapon. Habang nag aantay ako, isang kotse ang huminto sa harap ko.

"Hey Cj, sakay kana, hatid na kita sa bahay niyo.",pinakatitigan ko kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Teka! Si Brylle ba yun.

"Hindi na, may inaantay lang ako.",pagsisinungaling ko sa kanya. Si Brylle kasi ay hindi ko malaman kung anong pakay niya sa buhay ko. Nanliligaw siya sa akin, kaya nakakapagtakang sa akin pa siya magkakagusto, ako na mahirap lang, ako na hindi maganda, kung tutuusin maraming magandang babae diyan na babagay sa kanya.

"Come on. Wala nang dadaan dito na pedicab.",muli akong tumingin sa cellphone ko. Halos 30 minutes na pala akong nag aantay ng pedicab. Kaya naman no choice na ako sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Actually hindi ito yung firts time na isakay niya ako sa sasakyan. If im not mistaken, pangatlo na to.

The King Of Demon AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon