Chapter 2: The Meeting

3.9K 65 1
                                    

“May sakit ka ba?” matalas na tanong ng kanyang ama ng saluhan niya ito sa almusal.

Halata kasi sa paligid ng kanyang mga mata ang puyat.

“Wala, Pa. I just decided to take the dayoff and be with Baste today. Dadaan lang kami sa opisina para pirmahan ang kontrata na kailangan ngayon.”

“That’s what I’ve been telling you, hija,” Napapailing na sabi ni Don Manuel. “Kung may katuwang ka, eh di full time mong naaasikaso ang apo ko at hindi nakikihati sa oras ng pagtatrabaho mo. You have to have a man in your life. Dapat papanagutin ang ama ng---”

“Pa please.” Lalong sumakit ang ulong pigil niya dito. “Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kaya kong pangatawan ang lahat ng ito. Wala akong balak na papanagutin ang lalaking iyon at sinisiguro ko sa inyong hindi rin niya ako pananagutan. Kaya nga ninyo ako ipinatapon sa America because that man does not intend to marry me even if I carry a child or not. At ngayong gusto kong bumawi sa inyo parang ipinagtatabuyan niyo na naman uli ako sa gusto ninyo.”

“You don’t have to prove anything Yvette dahil anak kita tandaan mo yan.” Malumanay nitong tugon. “Pero iniisip kong you might be wrong about him. Have you tried telling him?”

“Pa please…” eksasperadong pahayag niya.

“See, hindi mo ipinagtapat kaya hindi mo alam kung ano ang magiging desisyon niya.”

Tuluyang tumigas ang mukha niya ng ang nilalarong kutsarita na pinanghahalo niya sa kanyang kape ay padaskol niyang inilapag sa platito.

“Papa hindi niyo kilala ang klase ng pagkatao ng lalaking iyon.” Iyon ang pantukoy niya kay Nicholas dahil hanggang ngayon ay inililihim pa rin niya ito.

“Then I should meet him to see for myself.”

“That man is a notorious heartless rake!” hindi na siya nakapagpigil pa. “Matapos niyang makuha ang gusto niya sa akin ay ipinagtabuyan niya ako na parang may nakakadiring sakit.”

Napabuntung-hininga ang kanyang papa. Alam niya ang dahilan nito kung bakit kinukulit siya parati dahil hindi ito makakapayag na magkaroon ng bastardong apo.

“Let me tell you something. I was a rake too when I met you mother. But a rake can be sincere and faithful once they met their match. I assure you there will only be one love in his heart kapag natagpuan na ang babaing mamahalin. Tandaan mo yan.”

Napatayo siya sa hapag-kainan tila nangingilabot siya sa sinabi nito.

“Definitely, hindi ako ang babaing iyon.” Ang matabang niyang pahayag. “At wag niyong itutulad ang sarili niyo sa taong iyon dahil malayong-malayo ang pagkakaiba ninyo, papa. And I don’t want to talk about this anymore. Ever!”

“Even denying me the name of the father of my grandson?”

Pinilit niyang magbibilang ng sampu upang pigilan ang nagpupuyos na damdamin.

“Para ano? To look for him and force him to marry me? No way papa.”  At gusto pa niyang idagdag na tama na ang minsang ipinagsiksikan niya ang sarili noon dito upang muli lamang nitong tanggihan pagkatapos. “I won’t marry him even if the world ends!”

“I will find that man and make sure he will give his name to Baste and honor you bilang kabayaran sa ginawa niya sa iyo!” tumaas na ang boses nito.

“Walang mapupuntahan ang usapan na ito papa. Mabuti siguro ay umalis na ako. I’m taking my son.”

“Go! Take your son!” anito na dinampot ang diyaryo sa tabi at nagkunwang nagbasa ipang i-dismiss siya. “But I will find that bastard rake of yours! With or without your consent. Kalimutan mo na ang naunang pinag-usapan natin noon!” ang pagbabanta nito.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon