Chapter 5: Love Hurts Sometimes

3.6K 64 1
                                    

Kung kailan naman naihanda na ni Yvette ang sarili sa anumang susunod na hakbang ni Nicholas ay hindi naman na muli pang nagpakita ito sa kanya.

Ilang linggo na ang nakararaan matapos nilang magkasagupa dito sa kanyang opisina pero ni tawag o pahiwatig na magbabalik ulit ito sa kanya ay wala siyang kaalam-alam.

Pero kung biglaan mang sumulpot ito uli ay nakahanda na siya. Hindi na siya muling makapapayag na mapaglaruan nito.

Kung isa sa mga laro nito ang pagsulpo-litaw ay nagkakamali ito na muling mapaikot siya sa palad nito. Hangga’t nandiyan ang kanyang anak na pinaghuhugutan niya ng lakas ay makakaya niyang harapin ito.

Pagkaalala sa anak ay biglang bumangon ang matinding kaba sa kanyang dibdib.

A certain possessiveness overwhelmed her.

Hindi makukuha ni Nicholas ang kanyang anak dahil wala itong kaalaman na nagbunga ang kapusukan niya dito noon.

Pero paano kung malaman niya ito? Ano ang gagawin niya kung igigiit nito ang karapatan sa kanilang anak?

Napahimas siya ng kanyang sintido. Hindi niya naisip ang lahat ng iyon simula ng magkita sila ni Nicholas at lalo pa’t desidido na rin ang kanyang papa na ipahanap ito upang papanagutin.

Kaya’t imbes na makapagtrabaho siya ng maayos ay nagmistula siyang nervous wreck sa buong maghapon dahil sa pagpasok ng panibagong problema sa kanyang isip.

Nabalisa na siya buong maghapon kaya’t naging panay-panay ang pagtawag niya sa kanilang bahay upang siguruhing maayos ang lagay ni Baste.

Paulit-ulit kasing umaalingawngaw sa kanyang isipan ang binitawan nito na magagawa nito ang lahat ng gusto nito.

At kapag natuklasan nitong may anak siya dito ay gagawin din nito ang lahat upang makuha sa kanya si Baste.

Napabuntung-hininga siya. Walang mangyayari sa anak niya at hinding-hindi sila magagambala nito hangga’t nakalihim dito ang pagkakaroon nila ng anak.

Hangga’t wala itong alam tungkol kay Baste ay ligtas sila dito. Ngunit paano nga kung matuklasan ito ni Nicholas?

Ano na lang ang mangyayari pa sa kanyang buhay kung pati si Baste ay mawawala din sa kanya?

Makakayang gawin ni Nicholas ang lahat ng pagbabanta nito kung gugustuhin nito. At tama ito wala pa itong ginusto na hindi nakukuha.

Napapikit siya at isinandal ang ulo sa upuan. Mababaliw na siya ng tuluyan kapag nangyari iyon.

Kung sana ay nakinig siya kay Lari noon disin sana’y hindi siya nahaharap sa ganito kakumplikadong buhay.

Kung narito si Lari ay palalakasin nito ang kanyang loob at hindi lang iyon. Ito mismo ang magtatanggol sa kanya kapag sumusuko na siya.

Hindi niya napigilan ang emosyon pagkaalala kay Lari. Miss na miss na niya ito. Kung magkasama lamang sila at hindi nagkasira magkakaroon siya ng kapanatagan sa piling nito.

Kahit kailan ay hindi pa sila nagkawalay. Gusto niya itong hanapin ngunit hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa.

Parang malulunod na naman siya sa frustration pero kailangan niyang magpakatatag. Sarili na lamang niya ang tanging sandigan upang mapaglabanan ang mga problema.

Ngunit ni sarili niya ay hindi niya maasahan ngayon. At eto pa ang isang panibagong gusot na susuungin niya sa muling pagsulpot ni Nicholas sa buhay niya.

Panibagong buhay ang hinangad niya sa pagbabalik niya ng bansa, sa piling ng kanyang papa at anak ngunit panibagong unos lang din pala ang muling sasalubong sa kanya.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon