Chapter 9: It Will Rain

3.1K 49 5
                                    

“What’s wrong with you, baby?” ang tanong ni Nicholas sa kanyang balintataw.

Nagpabalikwas siya sa kanyang pagkakaidlip at makapang wala pa ito sa kanyang tabi. Nananaginip lamang pala siyang kinokompronta nito.

Ilang araw matapos ang announcement party ni Nathan ay ngayon pa lamang siya bumalik at natulog sa master’s bedroom nila.

Ginawa niyang dahilan ang matulog sa kwarto ng anak dahil nagkataon na noong gabing pauwi na sila galing sa party ay nagkasakit si Baste at naglambing ito na makatabi siya sa pagtulog nito. At simula noon ay doon na siya natutulog.

At ngayong nagpagpasyahan niyang hintayin ito sa kanilang silid upang kausapin ay nakatulugan naman niya ang paghihintay dito.

Alam niyang malakas ang pakiramdam nito dahil kinompronta siya kaagad nito nung magaling na si Baste dahil hindi pa rin siya bumabalik sa kanilang silid.

Nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo kaninang umaga bago ito pumasok sa trabaho kaya’t nagdesisyon na siyang harapin na rin ito ngayon ngunit hindi ito dumating.

“Nothing is wrong with me, you’re the one WHO is all WRONG.” Ang matalas niyang isinagot dito kaninang umaga ng malabasan ito buhat sa silid ng kanilang anak.

Nagsalubong ang kilay nito sa kanyang isinagot.

“Ano ang nagawa kong mali para sabihin mo sa akin yan?” ang mainit naman nitong tinuran sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay binalak niya itong iwanan ngunit maagap na pinigilan siya nito.

“Hindi ko alam!” ang impit niyang singhal dito upang hindi mabulabog si Baste sa kabilang silid. “I just decided to end the truce that’s all!”

Nagngalit ang bagang nito sa kanya. Hindi makapaniwala sa naririnig buhat sa kanya.

“What?” sabi nito na dumiin ang pagkakahawak sa kanyang braso. “What truce? We didn’t make any truce.”

Tila nasaktan siya sa binitawan nito. Bakit nga ba makikipagkasundo sa kanya ito kung buo na pala sa isip nito na nagsasama lang sila upang masabing normal ang kanilang pamilya at walang namamagitang problema sa kanilang dalawa?

“Let me go!”

“Tell me what’s wrong with you, baby?” pinilit  magpakahinahong muling tanong nito sa kanya.

“Don’t call me that anymore! Dahil hindi mo ako pag-aari! You never will!” ang bunghalit na niya.

Tuluyang naningkit ang nagdidilim na mga mata nito na tila naunawaan na nito ang kanyang ibig sabihin.

“So that’s what been bothering you, isn’t it?”

“No!” ang mariin niyang tanggi. “What’s been bothering me is you. Hindi na kita masikmura pa!”

Gumuhit ang tila nasaktan ito ngunit saglit lang iyon at pagkatapos ay napalitan ng galit.

“What nonsense are you blabbering about, Yvette? Hindi kita maintindihan. I thought we were doing fine as a couple and as a family. Bakit ngayon ay bigla ka nalang nagkakaganito at biglang nanlamig sa akin?“

“You thought wrong.” Ang matigas niyang sagot. “I just woke up thinking this is all wrong.”

Lalong kumunot ang noo nito dahil hindi siya nito maintindihan.

“Pwede bang linawin mo ang lahat dahil parang napakalabo ng mga sinasabi mo. I just thought we’re going on the right direction bakit ngayo’y biglang nagbago ka?”

“Walang nagbago sa akin Nicholas because the truth is I just pretended everything just for the sake of our son. Ganun lang kasimple iyon.”

“What lies is this? Bakit hindi mo ako deretsahin?” nangangapal ang madilim na ulap sa mga itim na bato sa mga mata nito.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon