Chapter 7: A Pirate's Creed

3.3K 65 0
                                    

Naalimpungatan si Yvette sa tila alinsangan na nararamdaman. Dapat ay makaramdam siya ng lamig dahil hindi na siya nakakumot.

Ngunit bakit ganuon nararamdaman niya ang init-init ng pakiramdam niya.

At tila may mabigat na pader na kontroladong nakasandig mula sa kanyang tagiliran at may mga kamay na nakayakap sa kanyang baywang.

At ang matindi pa doon ay tila nangangarap siyang hinahalikan ni Nicholas sa may punong teynga hanggang sa kanyang leeg sa isang nakakakiliting paraan.

The sensation is simply delicious. It sent shivers of tiny electricity to her nerves down to the pit of her stomach.

Napadilat ng tuluyan ang kanyang mga mata at napagtantong totoong nagaganap ang kanyan panaginip.

Napakislot siya mula sa kanyang pagkakatagilid. Ngunit nagkamali siya sa ginawang pagkilos dahil pagbalikwas niya ay nasumpungan na lamang niyang nakakulong na siya sa bisig nito.

Tuluyang nanigas ang kabuuan niya sa binabalak nitong gawin sa kanya.

Nandilat na siya ng idikit nito ang sarili sa kanya at naramdaman niya ang matinding pagnanasa nito sa kanya.

Natilihang tuluyan ng nagising ang buong kamalayan niya. At dahil sa kanyang pagkabigla ay sinamantala nitong huliin ang kanyang labi at siilin ng nanabik na halik.

At sa hindi inaasahang pagkakanulo ng kanyang sariling katawan ay mabilis siyang nakunsumo ng sariling simbuyo ng matinding pangangailangan dito dahil wala siyang nagawa kundi ang tugunan ito.

Anumang protesta at hinaing ng kanyang isipan na hindi ito ang dapat niyang itugon ay nawala na ng tuluyan ng kusang yumakap ang kanyang mga kamay dito.

At walang tanging tumakas sa kanyang lalamunan kundi ang isang ungol ng gumapang ang kamay nito sa kanyang dibdib.

He was devouring her. Almost ravaging her in earnest need na para bang kapag binigyan siya nito ng pagkakataon na makawala siya ay bigla na lamang siyang maglaho at mapagtantong panaginip lamang pala ang lahat.

Parang gustong mamanhid ng kanyang utak sa matinding kasabikan niya dito ng tugunin ang bawat pananabik din nito sa kanya.

Tuluyang humulagpos ang natitirang katinuan upang labanan pa ito. Ngayon lamang niya naramdaman kay Nicholas na kailangan siya nito.

The need between them blazed like a fire in a passionate inferno.

Bawat halik at haplos nito sa kanya ay tinugon niya. Higit ang katumbas kesa sa ibinigay nito sa kanya. Tila sila nagpapaligsahan na maipadama sa bawat isa ang silakbo ng kanilang damdamin.

At hindi na niya muli pang sinubukang labanan ang damdaming nais umalpas noon pa mang muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tuluyan na siyang nagpagupo.

Her body confessed to him more when she responded with a heat she never knew it exist in her.

Nagpasakop siya at binihag siya nito. Nagbigay ito at tinanggap niya. At kung ano man ang ibigay niya dito ay tinanggap din nito ng higit pa kaysa sa kanyang inaasahan.

Walang namutawi sa kanilang mga labi kundi tanging pangungusap ng kanilang mga katawan upang ipahayag ang tunay nilang damdamin sa bawat isa. At sapat na iyon para sa kanila.

Hindi niya naranasan ang ganitong klaseng sensasyon mula dito na para bang ipinadadama nitong minamahal at sinasamba siya. Na para bang ang pag-iisa nila’y puno ng pangako at hindi lang basta pagsasanib lamang ng kanilang katawan kundi pangako ng isang tunay na pag-ibig.

Nang tuluyan silang magkaisa ay hindi niya mapaniwalaang kayang makapagbigay ng ganitong klase ng pagmamahal ito. At nanunuot sa buong pagkatao niya. At para lang sa kanya.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon