Chapter 8: Doomed As It Was

3.3K 49 1
                                    

Ilang buwan na ang nakararaan makalipas ang kanilang truce noong gabi ng kanilang kasal. At walang mapagsidlan ang kaligayahang nararamdaman niya dahil hindi nito binigo ang pangakong paliligayahin siya nito.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng mula sa kanyang likuran ay isang kamay ang pumulupot sa kanyang beywang at hinalikan siya ni Nicholas sa pisngi.

Kadarating lang nito buhat sa trabaho.

Tila isa silang normal na pamilya sa tanawing ipinakita nila sa kanilang anak na nasa kitchen counter at napahagikgik sa nakita bago ito kinarga ng yaya upang ilabas.

Parang isang panaginip nga lang ang lahat na tila nagbago na nga ito ng tuluyan. Para nga itong isang totoong ulirang asawa’t ama.

Bagama’t ang duda sa dibdib ay hindi pa natatanggal ay inaasam niyang sana ay habang-buhay na ang kaligayahang ibinibigay nito sa kanila.

Ni hindi nga siya tumutol nung imungkahi nitong sa bahay na lang siya at ang pamilya na lang nila ang asikasuhin niya ngunit binigyan pa rin siya nito ng choice or option na kung gusto niyang magtrabaho ay hindi siya nito pipigilan.

Mas pinili niya ang una dahil iyon naman talaga ang kalooban niya at hindi nga siya nagkamali na piliin ang pamilya dahil hindi niya mabigyan ng kahulugan ang fulfillment na nararamdaman niya sa pagsisilbi sa kanyang mag-ama ngayon.

At hindi naman nagsisinungaling si Nicholas sa binitiwan nitong pangako sa kanya. At parang balewala na rin sa kanya kung pansamantala nga lang lahat ito basta’t ang alam niya ay masaya siya sa piling nito.

Hinarap niya ito upang humalik din dito.

“Bakit ang aga mo ngayon, Gusto mo ng meryenda? Kasalukuyan akong gumagawa ng lasagna.” ang tanong niya dito pagkatapos.

“I’d love that but you smelled of garlic and onions, baby.” Ang bulong nito na hindi pinansin ang pagtatanong niya.

Napasinghap siya at tinangkang amuyin ang kanyang sarili ngunit hindi na niya nagawa dahil muli siyang hinagkan nito sa labi.

“I’m joking, you’re irresistible as ever.” Ang sabi nito pagkatapos. “Wag ka ng magluto ng dinner mamaya we’re going somewhere.”

Napakunot noo siya.

“Bakit saan tayo pupunta?”

“Kuya Nathan’s having an announcement party tonight. Dadalo tayo. I think the old man’s going to be hitched I saw it in his eyes today ng magkausap kami kahit ayaw niyang ipaalam kung para saan ang surprise announcement party na iyon.”

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Mula ng magkasundo sila ni Nicholas ay madalas na i-dine out sila ng kapatid nito at napag-aralan niyang malayong-malayo ang pag-uugali nito dito.

Seryoso at responsable sa buhay si Nathaniel. Kung maloko sa babae si Nicholas si Nathaniel or Nathan ay ang kabaligtaran nito. Bilang na bilang lamang sa daliri ang naging girlfriends nito dahil bibihira nitong maharap ang pansariling kaligayahan dahil sa laki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat nito.

Kung si Nicholas ay taglay ang devil-may-care charm na kinahuhumalingan ng mga kababaihan si Nathan naman ay yung tipo ng elusive-myterious-kind of guy na tinatawag na siya ring kinahuhumalingan ng mga kababaihan na tuklasin dangan nga lamang at tila wala itong hilig sa babae dahil parating subsob ang ulo sa negosyo.

Kaya’t hindi kapani-paniwala ang ibinalita ni Nicholas sa kanya ngayon.

“Pero wala tayong nababalitaang girlfriend niya? Who might be the most luckiest girl?” ang wala sa loob na eksaherasyon niya.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon