Chapter 4: Regrets

3.3K 74 0
                                    

Hindi makapaniwala si Nicholas sa ipinamalas na indifference ni Yvette sa kanya.

Nasa impluwensiya pa siya ng matinding shock ng ubusin ang nangangalahating alak sa kanyang baso.

Parang kahapon lang ay walang kasing-tamis ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi niya inaasahang ni kaunting pagtingin para sa kanya ay tuluyan ng naglahong parang bula.

Sa ipinakita nito sa kanya kanina ay malinaw nang nalimot na nga siya nito ng tuluyan.

Ano nga ba ang dapat niyang asahan? Natural na halos maging bayolente ito sa galit sa kanya matapos ang ginawa niya dito noon.

And he deserved every bit of it. At pagbabayaran niyang lahat iyon dito.

At ngayong natambad sa kanya ang katotohanan kung gaano kalaki ang nawala sa kanya ay hindi naman niya maipakita dito ang kanyang pagsisisi ng hindi nagpapakakita ng pagkasuklam si Yvette sa kanya.

Tila siya pinarusahan ng Diyos na ni hindi man lang niya naantig ang damdamin nito na minsan ay baliw na baliw sa kanya.

Pero determinado siyang mapaamo ulit si Yvette sa anumang paraan. Ni hindi siya pinatulog ng alaala nito ng nagdaang gabi habang pinipigura sa sarili kung bakit tila itinuring siya nitong isang estranghero.

At ngayon ay nauunawaan na niya matapos nitong ipamukha ang sariling kagagawan niya.

Pagkukunwari nga lang ba iyon o totohanan? Hindi nagsisinungaling ang pagkasuklam ng mga mata nito sa kanya at totoong naramdam niya iyon.

Aminado siyang kasalanan niya ang lahat kung bakit malamig pa sa yelo ang pakikitungo nito sa kanya.

Ang pagkakatagpo nga lang nila sa hotel ay malaking pasalamat na niya dahil kinakasihan pa rin siya ng Itaas na muli pa itong makita.

Doon siya nagpasyang hanapin ito kung pinahintulutan na nga siya ng Itaas na mabigyan siya ng ikalawang pagkakataon. Noon pa sana dapat niya ginawa iyon kung naging totoo lamang siya sa sarili.

Dapat ay noon pa niya naisaayos ang lahat kung hindi dahil sa tarantadong puso niya na ayaw magseryoso.

At ngayon natagpuan naman niya ito ay tila huli na ang lahat dahil napalitan na nang galit at pagkasuklam ang dating malambot at mapagbigay nitong puso.

Ngunit ang mahalaga ngayon ay nakita na niya ito at hinding-hindi na siya makapapayag na pakawalan pa itong muli.

At sa tuwing naaalala niya ang kahangalan ay nais niyang iumpog ang ulo. Napapangiwi siya sa tuwing naaalala ang kalupitan niya dito noon.

Si Yvette lamang ang tanging babae na nasaktan niya ng ganito sa lahat ng mga babaing nagdaan sa kanyang buhay.

Lahat ng mga babaing napapaugnay sa kanya ay nahihiwalayan niya ng walang nasasagasaang damdamin dahil sinisiguro niyang walang nadedehado pagdating sa pakikipagrelasyon sa kanya.

Pero iba si Yvette. Hindi lang ang katawan at kaluluwa nito ang isinugal sa kanya kasama pati pag-ibig nito na binalewala niya.

Napatunayan niya iyon nang malaman niyang tinangka nitong magpakamatay dahil sa kanya.

Damn, he’s cruel! How could he deserve her? Ni kapatawaran nito ay hindi nararapat sa kanya.

Wala itong hininging kapalit kundi ang atensyon niya at nagmatigas siyang hindi ito suklian hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling umiibig na rin dito at ikinatakot niya iyon.

Hindi dahil sa wala siyang kakayahang magmahal kung hindi dahil hindi niya alam pakitunguhan ang panibagong damdamin na iyon. Sanay siya sa relasyon na may duration ngunit hindi ng pag-ibig na hindi niya tiyak kung hanggang kailan magtatagal.

Ngunit ngayon ay napagtanto niyang walang mukha o panahong binibilang ang pagmamahal. Natutunan niya iyon sa masakit na paraan at ng matauhan siya’y huli na ang lahat.

Paano niya muli itong mapapaibig kung tanging poot na lamang ang nakapuwang sa puso nito para sa kanya?

Ni hawak nga lang niya dito ay napapaso na ito sa kanya na para bang diring-diri ito sa kanya.

Namumuhi ito sa kanya at kulang na lang ay isumpa siya nito upang hindi na sila muling magkita pa.

Pero susugal siya at sa pagkakataong ito isusugal na niya ang kanyang puso upang mabawi itong muli.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon