Chapter 10: Clear Sky Is Peeking

3.1K 53 0
                                    

Annulment ang unang pumasok sa kanyang utak paggising niya. Mapait siyang napangiti sa sarili. Yes, an annulment.

Napatutok ang kanyang mga mata sa orasan. Ala-una na ng hapon. Ganun na ba katagal ang pagkukulong niya sa kwarto at ni hindi na niya namalayan pati ang oras?

At gaano pa kaya ang itatagal niya habang nalalaman niyang magkasama pa rin sila sa iisang bubong ni Nicholas? At paano pa niya matatagalang isipin na hanggang ngayon ay nakatali pa rin siya dito?

Matapos ang mga pangyayari sa kanila ay maaatim pa ba niyang pakitunguhan ito ng normal o kahit sa sibilisadong paraan man lang?

Matapos siyang muling saktan at paglaruan nito ay ano pa ang silbi ng kanilang kasal kung yuyurakan din pala nito? Papayagan pa ba niyang tapakan nito ang kanyang pride?

O mamayagpag ito sa kung kani-kaninong kandungan habang siya ay nagtitiis o nagpapakamartir bilang Mrs. del Frias?

Manhid na ang puso niya pero hindi ng kanyang natitirang pride. Kung ayaw nitong umalis sa kanilang pamamahay ay siya ang aalis.

At pagkatapos ay igiit niya dito ang kanilang annulment and that’s final. Wala ng makakapigil sa kanya. Kung kinakailangang siya ang umalis upang makahiwalay kay Nicholas ay gagawin niya.

Masyado na siyang nagtiis at nagdusa sa ginawa nito sa kanya noon. Kailangan pa rin bang magdusa siya hanggang ngayon sa pakikisama dito?

Nang desidido na siya sa binabalak ay mabigat ang katawang bumangon siya sa kinahihigaan at tinungo ang shower.

Pagkabihis ay hinagilap niya ang mga kasambahay ngunit ni isa sa tatlong katulong nila ay wala siyang mahagilap. Nakapagtatakang wala ni isa sa mga katulong nila ang kanyang nakita.

Hinanap niya ang mga ito upang pagalitan dahil sabay-sabay pa itong nagsiwalaan lalo pa’t pati ang yaya at ang kanyang anak ay hindi pa rin niya nakikita.

Ngunit ang nakapagtataka ay wala naman siyang kabang nararamdaman sa biglaang pagkawalaan ng mga ito.

Nakarinig siya ng mga ingay sa pool ng mapadaan sa likod bahay at inakalang nakatambay doon ang kanilang mga kasambahay.

Agad niyang tinungo ito habang unti-unting lumilinaw sa kanyang pandinig na hindi ang mga katulong ang naroroon kundi si Nicholas at tinig ng isang hindi kilalang babae?

Babae? Napakunot ang noo niya. Siguradong hindi niya kilala ang tinig ng babaing iyon. At imposibleng isa sa mga katulong nila dahil hindi nito magagawang humagikgik ng ganuon kaarte at kaalembong sa harapan ng among lalaki.

At lalong lumalim ang pagtataka niya kung bakit narito si Nicholas ngayon. Dapat ay nasa opisina ito ngayon kahit linggo.

Ginawa na kasi nitong habit na pumasok ito sa opisina kahit linggo mula ng huling engkuwentro nila. At siya naman ay ginawa na rin niyang habit na hindi lumabas ng kwarto hangga’t alam niyang nasa bahay pa ito at ganun din pagdating nito sa gabi, nagkukulong na siya sa kuwarto.

At kung aksidente mang magkatagpo sila sa loob ng bahay ay una na siyang umiiwas o di naman ay sinasadya niyang parang hindi niya ito nakita.

Sa paraang iyon ay naipapakita niya ang matinding pagnanais na ayaw na nga niya itong makasama o makita man lang at hindi naman siya nabigo sa paraang iyon.

Ngunit tila wala namang epekto iyon sa batong asawa. Bacause he ignores her more as she ignored him.

Dahil doon tila nakaramdam na naman siya ng matinding pagkairita ng binilisan ang paglalakad upang makarating kaagad sa kinaroroonan nito upang gulatin lamang siya ng tagpong hindi na yata niya makakasanayan pa.

THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon