PROLOGUE

20 3 0
                                    


             Naranasan mo na bang maiwan sa ere ng mga mahal mo sa buhay? Siguro naman lahat tayo ay nakaranas na. Ano ang naging epekto nito sayo? Masaya ka ba o naging malungkot? Siguro may sasagot na naging masaya sila kung nagdulot ito ng positibong resulta at nasa maayos na sitwasyon.Nagdudulot naman ng matinding kalungkutan sa isang tao kapag naiwan sila sa isang mahirap na sitwasyon.

            Ganito ang nangyari kay Princess Izabelle Jean L. Alzado. Sino nga ba si Izabelle?

          Si Izabelle is a simple yet an amazing lady, dalawampu't pito ang edad. May angking talino at taglay nito ang kakaibang kagandahan kung ikukumpara sa karamihan. Siya ay pandak,may maliit na labi, tenga, at mukha ngunit matangos naman ang ilong nito. Ito ay may maitim na buhok at hindi gaanong maputi ang kanyang kutis. Siya ay patawa, mabait, maalaga, mapagbigay, matulungin,mapagmahal at higit sa lahat masipag mag-aral  kaya naman tinagurian syang "One of the Studiositas". 

            Si Izabelle ay likas na masinop, masipag at magaling din sa klase. Kaya naman isa rin siya sa mga tinutularan ng mga kabataan sa kanilang henerasyon. Isa din siya sa tipong mahilig magsaliksik o mangalap ng bagong kaalaman. Ang pagpunta niya sa paaralan ay hindi para mag- aral lang kundi para abutin ang isa sa mga pangarap na palaging makasali sa list ng honor students. Kaya mas pinaghahandaan at pinagbubutihan pa niya ang kanyang pag-aaral. Matindi kasi ang labanan nila pagdating sa academics at non-academics. Lagi kasi siyang napapabilang sa unang seksyon kaya magagaling silang lahat sa klase. Minsan nga ay napag-iiwanan na si Izabelle ng kanyang mga kaklase pagdating sa mga modernong teknolohiya. Mabuti nalang may mabubuting puso ang mga ito kaya naman tinuturuan at pinapahiram siya ng mga bagay na wala siya tulad ng laptop, projector, at iba pang gadgets. Lingid naman sa ating lahat na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay may mahalagang ambag sa edukasyon. Dahil dito mas mapapadali ang pag-acquire ng learnings ng mga estudyante , magkaroon ng magandang daloy ng komunikasyon at effective teaching technique ang mga guro at maging ng mga mag-aaral kapag may "class reporting sila. Sa panahon ngayon ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay tunay na nakakatulong upang magkaroon ng epektebo at may kwalidad na edukasyon tungo sa kaunlaran ng lahat.
              Si Izabelle ay nanggaling lamang sa isang simpleng pamilya at medyo kapos sa buhay. Ngunit hindi ito naging balakid sa kanyang pag-aaral datapwat ito pa ang nag-udyok sa kanya na magsikap na abutin ang mga inaasam sa buhay. Ang pag-abot ng mga mithiin niya sa buhay ay nagsilbing gantimpala niya sa pagpapagal ng kanyang mga magulang at guardian para lang maisakatuparan ang pangarap niyang makapag-aral at makapagtapos ng pag-aaral ng kolehiyo at makahanap ng marangal na trabaho para makatulong na maiahon ang pamilya sa kahirapan sa buhay at makatulong rin sa mga taong nangangailangan.

            

The Sedulous Quest For Love And SuccessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon