They're heading home. Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti tuwing aabutin ng kanyang nobyo ang kamay at masuyong halikan ang likod niyon habang nagmamaneho.
Nobyo
Corny pero ang sarap sa pakiramdam. Hindi niya alam ang magiging kinabukasan niya sa piling nito but she's willing to sacrifice. Hindi siya natatakot. Dahil alam niya una pa lang, naging matapang na siyang ipagtapat ang pagmamahal dito noon kahit alam niyang hindi siya nito gusto.
Ang pakiramdam na mahal ka rin ng mahal mo ay para kang idinuduyan sa gaan ng pakiramdam. Ni hindi siya nagsasawang titigan ito. She just can't believe how faith play with them. Una siya itong habol ng habol dito noon, lumayo siya dahil nasaktan. Hindi niya sukat akalain na mababaliktad ang sitwasyon."I don't know what you've been thinking babe. But you look weird grinning like an idiot",puna nito habang nagmamaneho. Agad na tumimo sa isipan niya na kanina pa pala siya nakangiti at napansin iyon ng lalaki. "Tell me what was in your mind."
Umiling siya. Hinila niya ang libreng kamay nito at dinala sa kanyang pisngi. "I just can't believe that here I am now holding your hands."
"Naks, patay na patay ka talaga sa akin",pagmamayabang nito. Napahagikhik na lamang siya. " Pero mas patay na patay ako sayo."
"I love you Drake",tanging nasagot niya. Wala siyang maisip na sabihin dahil nag uumapaw sa ligaya ang kanyang pakiramdam.
"I love you too babe. So much", madamdaming tugon nito. Pumikit siya at dinama ang tamis nang mga salita nito. He just made her heart flipped.
______
"I want to talk to you, Madrigal", seryosong saad nang kanyang ama. Nakaharap silang magnobyo sa kanyang mga magulang. Katulad nang napag usapan nila ay sinamahan siya nitong sabihin sa kanyang pamilya ang kanilang relasyon. Kinabahan siya sa reaksiyon ng ama. Ang kanyang ina ay mukhang hindi na nagulat nang marinig ang kanilang sinabi.
"Dad..." Tawag niya sa pansin ng amang galit ang iniukol na tingin sa kanyang katabi.
"You stay out of this Addison. Remember what I've told you? I mean it", saka ito tumayo. Humigpit ang hawak niya sa braso ni Drake.
"I'll be okay babe, don't worry", pinasigla nito ang boses pero alam niyang kinakabahan din ito base sa pagpapawis nito. Ang lamig ng aircon pero ito pinagpapawisan.
"Go now Hijo, don't make him wait",pasubali ng kanyang ina. Tumango naman ang huli bago tumayo at sumunod kung saan ang kanyang ama.
Nang mawala sa paningin niya ang dalawa ay nababahalang binalingan niya ang ina."My, what do you think? Daddy dislike him?"
Ngunit kibit balikat lang ang sagot nito. Mas lalo siyang kinabahan.
"Sundan kaya natin sila?" Hindi mapalagay niyang wika."Addison relax.... Drake can handle it. He's matured enough to deal this kind of situation. Stop worrying, your dad will not gonna eat him alive", seryosong sabi nito. Napabuga na lang siya ng hangin. Bakit sa tingin niya ay hindi magandang ideya na sinabi kaagad nila ang kanilang relasyon?
Maya't maya ang tingin niya sa kanyang relo. Bakit ang tagal ng dalawa? Naalala niya ang sinabi ng ama na dadaan muna ang binata sa butas ng karayom. Anong ginawa ng kanyang daddy? Ginawa ba nitong sinulid ang binata at ginawang panahi?
Uggh! I think I'm going nuts!
Napabilis ang kanyang tayo ng nakitang paparating ang dalawang lalaki. Nakahinga lang siya ng maluwag nang mapansing hindi na madilim ang anyo ng kanyang ama. Isa lang ang ibig sabihin non' hindi na ito galit.
Dahil gumagabi na, hindi na rin nagtagal ang binata at nagpaalam na rin sa kanyang mga magulang.
Nagpaalam siya sa mga magulang na samahan ang binata sa labas.
BINABASA MO ANG
Tempting Drake Madrigal(EDITING)
General FictionWARNING|| MATURE CONTENT GENERAL FICTION Addison was just 18 years old when she confess her feelings to Drake, her sister's friend. Drake was nine years older than her. Ngunit ang pinakamatinding embarrassment niya sa gabing iyon ay ang pagtawanan...