CHAPTER 22

3.7K 150 25
                                    

Hindi niya maialis ang tingin sa maamong mukha ng ginang. She's exactly look like a female version of Drake. The woman is still gorgeous sa kabila ng edad na nito. Kahit nang ipakilala siya dito ni Taddeo ay nanatili siyang nakatitig sa mukha nito.

"This is the first time",magiliw na saad nito habang nanunuksong nakatingin kay Taddeo na kakamot kamot ng tenga. "Hindi talaga ako naniniwala na kaibigan mo lang to anak."

"Mom,stop it. My brother will literally kill me."

Doon naman natigilan ang ginang. Bahagyang nangunot ang noo nito at natuon ang pansin sa kanya. Wala sa loob na siniko niya si Taddeo. Napakabilis talaga ng bibig nito, hindi man lang siya na inform na may ganong pa eksena ang binata.

"What do you mean son?"

"Oh, I just need to use bathroom. Maliligo lang ako", biglang paalam ng binata. Na alam nila pareho na umiiwas lang ito.

"Taddeo",angal niya. Iiwan siya nito doon at hahayaang sagutin ang mga tanong ng ina nito?

"Relax ka lang! Mabait ang mommy ko. Bye, please feel at home."

Napasunod na lang ang tingin nilang dalawa sa lalaking nagmamadaling umakyat. Alam niyang sinadya nitong iwan siya at harapin ang ina nito.

"So you and Taddeo?"

Lihim siyang napakagat labi. "We're just friends."

"He said that",kimi itong ngumiti. "About his brother...."

Alanganin pa itong ituloy ang sasabihin. Nasa mukha nito ang pangamba.

"Drake didn't know that I am here", tanging nasabi niya. "Honestly I don't want to interfere between you and him. I am just here because----" humugot muna siya ng malalim na hininga. "I want to meet you."

Yumuko ito. Napansin niya ang mapait nitong ngiti. Nang mag angat ito ng tingin ay bahagyang kinurot ang kanyang puso dahil sa pamumula ng mga mata nito. She's in verge of crying.

"How is he?"

"He's doing great", nakangiting tugon niya. Ayaw niyang pati sitwasyon nila ng anak nito ay malaman pa nito. 

Mapait itong tumango tango. "He's doing great without us."

"Ma'am...." Gusto niya itong lapitan at aluin ngunit nag aalangan siya. Baka isipin nito na nagfe feeling close siya.

"Please call me Tita. It would be sound great."

Tumango siya at pilit na ngumiti. "Okay po Tita."

Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang marinig niya ang yabag ni Taddeo. Kahit papano hindi siya maha-hotseat. Ang dami pa kasing tanong ang ginang na hindi niya alam kung paano sagutin.

"I think, it's time for dinner",ani Taddeo. "Mamaya niyo na ipagpatuloy ang kwentuhan ninyong dalawa."

Sabay naman silang napangiti ng ginang. Saka tumayo para sabay nang tunguhin ang hapag.

_____

"It's really a great pleasure Hija. Don't hesitate to visit me anytime.  I can feel a daughter vibes with you."

"Susubukan ko po Tita", nakangiting sagot niya. Magaan ang loob niya sa ginang. Nakakalungkot lang isipin na lagi itong nag iisa sa bahay at hindi pa magkaayos sa isa pang anak nito.

"I look forward for that",saad nito na ikinatawa nilang pareho ni Taddeo.

Kahit nang nasa sasakyan na sila ay hindi mabura ang kanyang ngiti sa labi.

"Your mom was really great. Saan kayo nagmana ni Drake?"

Natawa naman ito. "I think wala ka ng kawala sa pamilya namin. Kita mo nga at feel na feel mo maging manugang", panunukso nito.

Tempting Drake Madrigal(EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon