Lumipas ang araw at linggo, pinilit niyang kayanin na hindi makita si Drake. She stopped stalking him even if it is against her will. She feels like so sick not seeing him. Sa awa ng Diyos she survived without taking her pill. For her, Drake is her pill. An addicting pill. His presence was the only one can calm her heart.
Maybe she will stop following him, but her heart will always beat only for him. Forever.
____
Isang gabi ginulantang sila ng ilang mga pulis na tumungo sa kanilang bahay at hinahanap ang kanyang ate Serene. Bakit may mga pulis? Puno ng pagtatakang lumapit siya sa mga magulang na nooy nakikipag usap sa mga ito. Napasinghap siya ng makita ang warrant of arrest na hawak ng mga ito.
Kilala niya si Byron Ortega. Ito ang lalaking nasangkot sa pagkakaaksidente ng kanyang kapatid dalawang taon na ang nakaraan. Pero bakit sinampahan nito nang kaso ang kapatid niya? Diba,naging maayos na ang dalawa at nagkamabutihan?
Sinundan niya ang ina na bahagyang lumayo sa mga pulis. Hinayaan nilang ang daddy niya ang makipag usap sa mga ito.
Tahimik siyang nakikinig sa ina na may kausap sa cellphone. Hinuha niya ang Tita Roqeya niya dahil may sinasambit itong ate.Nababahalang tumingin ito sa gawi niya nang matapos ang tawag.
"My?" Nag aalalang tanong niya.
"Ang ate mo, Addy. Makukulong", tuluyan na itong humikbi. Mabilis niya itong hinapit at niyakap. Wala siyang alam sabihin. Nakokonsensya siya. Siya pag ibig lang ang nagpapamiserable sa kanya tapos may malala pa palang problema ang kanyang pamilya.
"Nasaan daw po ba siya?"
"Nasa bahay ng tita mo. Pero pauwi na daw dito", garalgal ang boses na wika nito. Hinaplos niya ang likod nito.
"Wag niyo pong masyadong i-stress ang sarili niyo mommy",nag aalalang wika niya. Napatingin siya sa gawi ng kambal na nooy nakatingin din sa kanila. Wala doon ang kanyang kuya Aegus. Hindi na nila hinayaan pang bumaba ang kanyang lolo dahil baka mag alala pa. Matanda na at hindi pwedeng ma stress.
Walang silang nagawa kundi sundan nang nakakaawang tingin ang kapatid na noo'y mukha ring miserable. Minsan naringgan niyang nagtalo ito at ang kanilang ina pero pinili niyang balewalain iyon dahil nasa ibang bagay siya nakafocus. Kaya nakokonsensya siya ng labis.
Gaano ba siya kaabala kay Drake at hindi niya napapansin ang problema ng kapatid? Paanong pinakulong ito nang sariling nobyo?Pagkasunod na araw ay sumama siya sa ina para dalawin ang kapatid sa kulungan. Naabutan na nila doon si Mr Ortega na masama ang tingin sa dalawang pares na magkayakap. Sumikdo ang puso niya sa tagpong iyon. Mabilis niyang sinaway ang sarili sa pakiramdam. Hindi dapat siya makaramdam ng panibugho dahil magkayakap ang kanyang kapatid at si Drake. Iniwas nalang niya ang tingin at itinuon ang pansin sa lalaking masama ang tingin sa dalawa. Nilapitan ito ng kanyang ina. Siya naman ay nanatiling nakatayo lang roon at hindi alam kung paano lalapit sa mga ito. Mas pinili na lang tumayo sa isang tabi at panoorin ang eksena ng ina na nooy galit na galit kay Byron.
Ngunit tila naging tuod siya sa kinatatayuan nang tarantang sumigaw ang kanyang ina kasunod niyon nakita niya ang pulang likido na umagos sa binti ng kapatid. Tulalang nakatingin lang siya at nanigas sa kinatatayuan.
'Blood!'
She just saw a blood!
Natauhan lang siya ng pasigaw siyang tinawag ng ina."Sabihan mo si Manong sumunod kayo sa ospital!"
Sunod-sunod siyang tumango kahit hindi masidlan ang kanyang kaba. Nakita na lang niyang buha- buhat ni Byron ang kanyang kapatid. Nginig ang katawan na sumunod siya sa mga ito. Kinagat niya ng mariin ang hinlalaki para kahit papano ay kumalma ang kanyang pakiramdam.
Napatingin sa gawi niya si Drake pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Tuliro ang isip niya sa nangyayari. Nang makita ang kanilang driver ay patakbo niya itong nilapitan at sinabihang sundan ang sasakyan kung saan nakasakay ang ina at kapatid.
BINABASA MO ANG
Tempting Drake Madrigal(EDITING)
Fiction généraleWARNING|| MATURE CONTENT GENERAL FICTION Addison was just 18 years old when she confess her feelings to Drake, her sister's friend. Drake was nine years older than her. Ngunit ang pinakamatinding embarrassment niya sa gabing iyon ay ang pagtawanan...