"Sigurado kang magiging okay ka dito?" Ulit ng kapatid. Napaikot na lang ang kanyang eyeballs dahil hindi niya alam kung ilang beses na nitong tinanong iyon sa kanya. Pinagamit nito sa kanya ang dating unit ng asawa na katabi lang ng unit ni Drake.
Nagawa nilang hanapan ng rason sa mga magulang niya na hindi muna siya makakauwi nang ilang araw dahil may natanggap siyang trabaho para ipagpatuloy ang residency niya para maging ganap na psychiatrist. Nagulat pa ito nang marinig na nagtetake na siya ng intern para makompleto ang kanyang residency.
Kailangan niyang pagsikapang makalakad agad bago pa magduda ang mga ito sa nangyayari sa kanya."Ate, okay nga lang ako",napipikang sabi niya. Parte na yata nang pagbubuntis nito ang pagiging makulit.
"Huwag kang ganyan Addy, baka nakakalimutan mo nagawa ko na naman magsinungaling kina mommy dahil sayo!"
"Oo na, paulit-ulit. Sige na, umuwi ka na. Gumagabi na rin. Anyway, salamat ate ha. I really can't show up to them like this. They would probably kill me."
"No, my dear. Aegus will probably kill you if he'll see what happened to his car."
Isa pa yon sa pinproblema niya.
"Ate, wala akong pera",kagat labing sambit niya. Wala siyang perang pampaayos sa sasakyan ng kuya niya."Alam ko, don't worry I got it covered."
"Thanks ate."
"Tutuloy na ako. And one more thing Addy, kailangan mo agad magpatheraphy or else malalagot tayo pareho. Drake is just next door. Don't hesitate to call him when you're in needs."
"Okay."
"And one more thing, kailangan makalakad ka ng maayos bago ang baby shower ni baby."
Napatungo na lang siya. "I'll try ate. "
____
"Shit!" Hindi mapigilang mura niya. Nasa hapag siya at naghahapunan kasama si Drake.
"You're in front of the food Addy",saway agad ng lalaki.
"Oh, I'm sorry. I just thought how idiot I was. I forgot to ask ate to lend me one of their maid!" Pagpapatuloy niya.
"And why would you need one?"
"What if I want to take a bath? This is a disaster!" Hindi pwedeng maulit na naman ang nangyari sa banyo ng hospital. Aba, swerte nitong nagkakaroon palagi ng free show.
"Oh c'mon. Hindi mo dapat pinoproblema ang hindi naman dapat problema."
"Excuse me?!" Tuluyan na siyang tumigil sa pagkain. "Masaya ka! My body is not for everyone to see!"
"Oh really? Do you want me to remind you how---
"Can you do me a favor?" She interrupted. "Will you please stop bringing up the past when we're talking? Be sensitive please, it's kind of embarrassing!"
Nagtaka siya ng umiba ang timpla ng mukha nito.
"Regrets?"
"Yeah... Super", nanunuyang sagot niya. Iniisip ba nito na hindi siya magbabago? No way!
Hindi na nito tinapos ang pagkain at tuluyang tumayo na. "Finish your food. Call me when you want to go in the bathroom or anywhere."
"Drake---
"Don't worry Addy, same as before. I am still me. You don't affect me, honestly."
Saka ito umalis sa hapag. Saka siya nakaramdam nang panghihimagsik.
Don't affect me pala ha?
Bakit ba kasi ang hina niya? Hindi niya agad ito nasumbatan sa ginawa nitong paghalik sa kanya noon? Na hindi din nito napigilan ang sarili?
BINABASA MO ANG
Tempting Drake Madrigal(EDITING)
Narrativa generaleWARNING|| MATURE CONTENT GENERAL FICTION Addison was just 18 years old when she confess her feelings to Drake, her sister's friend. Drake was nine years older than her. Ngunit ang pinakamatinding embarrassment niya sa gabing iyon ay ang pagtawanan...