Papahiga na sana siya nang may kumatok sa kanyang silid.
"Sino yan?"
"It's me",boses iyon ng Kuya niya. "Bumaba ka daw muna sabi ni Daddy."
Natuon ang tingin niya sa orasan. Alas diyes na ng gabi. Anong kailangan ng ama sa kanya sa ganoong oras? Sabay na silang naghapunan kanina bakit ngayon pa nito naisipang sabihin?
"Bakit daw?"
Ngunit wala ng sumagot. Palagay niya ay umalis din kaagad ito matapos sabihin ang ibinilin ng kanilang ama.
Pahinamad siyang bumangon at tinungo ang pinto. Importante siguro kaya hindi na pwedeng ipagbukas.Napahigpit ang kanyang kapit sa railings ng hagdan nang matanaw niya mula sa kinaroroonan kung sino ang kaharap ng kanyang mga magulang. Anong ginagawa nito doon? Diba may usapan na sila na tuwing biyernes na lang ng gabi sila magkikita?
Ang mommy niya ang unang nakapansin sa kanya. Nagtaka siya kung bakit luhaan ang mga mata nito.
"Anak", sambit nito sa kanyang pangalan. Saka naman napatingin ang dalawa pa nitong kasama sa kanya. Ang kanyang daddy na may simpatyang anyo. At si Drake na blangko ang tingin. Bigla siyang inatake nang kaba. Nang tuluyan na siyang makababa ay siya namang pagtayo ng kanilang mga magulang.
"Mag usap kayo", seryosong utos ng kanyang ama. Napatingin siya kay Drake na blangko ang tingin sa kanya. Wala sa loob na napalunok siya. Bakit palagay niya hindi ito natutuwang makita siya?
Nang tuluyan na silang magkasarilinan ng binata ay tuluyan ng binundol ng kaba ang kanyang dibdib nang tingnan siya nito nang may hinanakit.
"Ahm, n-napadalaw ka?" Bahagya pa siyang nautal. Sa anyo ng binata ay hindi niya alam kung ano ba dapat ang tamang pag approach niya dito.
Hindi nito nagsalita. May itinulak itong papel na nasa mesa na ngayon niya lang napansin. Bahagyang napakunot ang kanyang noo. Anong meron don?
Binasa niya ang malaking bold letters na naksulat sa pinakataas
BULACAN MEDI---
Hindi pa man niya nabasa ng buo ay tinakasan na ng kulay ang kanyang mukha. Nanlamig at pati kalamnan niya ay nanginig. Hanggang sa napatakip na lang siya sa bibig para pigilan ang malakas na hikbi.
"Hin... Hindi-- Hindi ko s-sinasadya!"
Nailagay na niya ang dalawang palad sa mukha at doon pinakawalan ang malakas na hagulhol. Naramdaman na lamang niya ang yakap ng kanyang ina mula sa gilid. Naisandig niya ang ulo sa dibdib nito at doon umiyak ng umiyak. Hindi niya matingnan si Drake.
"Anak... it's okay. It's okay to cry...." Mahinang bulong ng kanyang ina habang hinahaplos ang kanyang balikat. "We are here... Shhh. Just cry."
_____
Gusto niyang manumbat. Ngunit para saan? Kanino ba dapat siya magalit? Habang tinitingnan ang babaeng ngayon ay humahagulhol sa kanyang harap ay mas dobleng sakit ang hatid niyon sa kanya.
Dapat ba siyang magalit dito dahil pilit nitong inilihim na nabuntis ito at nakunan? Bakit pakiramdam niya mas galit siya sa sarili? Nang panahong nakunan ito, nasa abroad siya at pinilit na ibaling ang atensyon sa ibang bagay. Kung hindi ba siya tuluyang nakipaghiwalay dito ay hindi ito pupunta ng Bulacan? Masisisi ba siya ng sitwasyon? Sobra ang naging takot niya nang mapagbuhatan niya ito ng kamay. He never did that to anyone pero sa babaeng mahal na mahal pa niya.Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya si Tito Cleef na tahimik na nakatitig sa kanila, partikular sa kanya. Hindi na niya napigilan pa ang emosyon. Umiyak na siya kahapon akala niya okay na yun. Pero ngayon hindi na niya napigilan pa ang sarili. Tahimik siyang lumuluha habang nakayuko.
Ginawa niya ang lahat para makuha lang ang medical records nito sa hospital kung saan ito naconfine. She almost suffered hemorrhage dahil sa maraming dugong nawala dito. God knows kung ano ang mangyayari pa dito kung hindi dahil kay Bandit. His dog was a hero.
BINABASA MO ANG
Tempting Drake Madrigal(EDITING)
General FictionWARNING|| MATURE CONTENT GENERAL FICTION Addison was just 18 years old when she confess her feelings to Drake, her sister's friend. Drake was nine years older than her. Ngunit ang pinakamatinding embarrassment niya sa gabing iyon ay ang pagtawanan...