D A L A W A

38 14 5
                                    

• D I S T A N S Y A •

Nariyaan ka at naririto ako,
Magkaiba tayo ng pinang-galingang mundo
Hindi man tayo laging nagtatagpo,
Ikaw parin ang dahilan ng kaligayahan ko.

Tagalog ka at Kapampangan ako,
Bisaya siya at Cebuano naman ito,
Iba't iba man ang lengguwaheng tugon,
Ngunit kailanma'y hindi naging sagabal iyon.

Ingay sa gabi at tawanan sa umaga,
Mga ala-alang binubuo ng magkakasama.
Kulitan sa maghapon na kasiyahan ang dala,
Hanggang sa pagtulog baon ang ngiti sa mga mata.

Araw'y hindi kumpleto kapag wala ka,
Laging hinahanap ang kasiyahang iyong dala.
Sa lungkot man at maging sa pagluha,
Lagi kang nakikinig at nagpapagaan ng kalooban.

Magdaan man ang mga araw, buwan at taon,
Mananatili sa puso ko ang ating relasyon.
Dahil walang distansya ang kailanma'y makakaguho,
Sa matatag na koneksyong ating nabuo.

Isang-daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon