• M A H A L •
Unang Talata,
Sa sinimulang Kabanata,
Ating ilalathala,
Ang pag-iibigan nating dalawa.Tutol man ang madla,
Mapaglaro man ang tadhana,
Tayo ma'y ilayo sa isa't isa,
Pagmamahal sayo'y hindi mawawala.Usungin man ang bagyo,
Malunod man sa ilog ng kalbaryo,
Patuloy na sisisid para sa'yo,
Aahon parin kasama mo.Hamakin man ng problema,
Lumipas man ang dekada,
Kailanma'y hindi mag-iiba,
Mananatili pa ring sa'yo, sinta.Ngunit ipagpatawad mo sana mahal,
Kung minsa'y nagiging hangal,
Ipinaiiral madalas ang dangal,
Pangako, patuloy ka paring minamahal.
BINABASA MO ANG
Isang-daang Tula
PoetryIsang-daang Tula, Iba't iba ang magiging paksa. Sa madla ay ilalathala, Ipapakita ang mga hinanda. Magbibigay ka-alaman, Sa iba't ibang aspekto at larangan. Hindi man gaanong kagalingan, Ngunit bawat salita'y may nilalaman. Tangkilikin ang atin...