P I T O

25 9 2
                                    

• B A H A G H A R I •

Dedicate to bluemagic_07

Inggit ang nadama,
Paano maging maganda?
Sa lipunang mapanghusga,
Saan lulugar ang may hiya?

Luha na pumapatak,
Sa lupa ay bumabagsak,
Punyal sa puso'y nakatarak,
Tila pinutulan ng pakpak.

Napuno ang puso ng sakit,
Hinahanap ang sagot sa mga bakit,
Sa lipunang madaming mababait,
Bakit kabilaang may nanlalait?

Hindi lahat ay gusto,
Hindi lahat alam ang totoo,
Kaya huwag magpapa-apekto,
Dahil kilala mo ang sarili mo.

Ngumiti na ng totoo,
Huwag intindihin ang ibang tao,
Dahil bahaghari ang ganda mo,
Liliwanag pagkatapos ng bagyo.

Isang-daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon