• S A L I K O D N G M G A T I T I G •
Dedicate to guessyourewrite
Ikaw ang kasa-kasama,
Sa lungkot man o saya,
Sa pagngiti man o pagluha,
Laging kaagapay ka.Ikaw ang gusto sa mga ayaw,
Saki'y nagsisilbing tanglaw,
Ang nagbibigay lagi ng ilaw,
Sa madidilim na mga araw.Walang ibang hiniling,
Kundi atensyo'y maibaling,
Sayo lamang nahuhumaling,
Hindi maituon sa iba ang paningin.Umaasang iyong mamahalin,
Na pweding ikaw at ako din,
Ngunit tila ba alanganin,
Dahil sa puso mo'y may umaangkin.Ngunit pag-ibig ay mananaig,
Kahit malabo'y 'di papadaig,
Umaasang sa likod ng 'yong mga titig
Sa'ki'y may natatago ding pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Isang-daang Tula
PoetryIsang-daang Tula, Iba't iba ang magiging paksa. Sa madla ay ilalathala, Ipapakita ang mga hinanda. Magbibigay ka-alaman, Sa iba't ibang aspekto at larangan. Hindi man gaanong kagalingan, Ngunit bawat salita'y may nilalaman. Tangkilikin ang atin...