• N A G M A M A H A L, A K O •
Malawak man ang mundo,
Bilyon man ang mga tao,
Makita mo na sana ako,
Ang taong nagmamahal sa'yo.Walang hangad na kahit ano,
Mapansin mo lamang ako.
Sapat na sa'kin ang pagbati mo,
Pagsilay ng mga ngiti, na dahilan ay ako.Walang ibang motibo,
Pag-ibig mo lang ang gusto.
Kahit sa panaginip lang magkatotoo,
Maramdaman man lang mahal mo rin ako.Iba man ang iyong gusto,
Mamahalin ka parin ng husto.
Tititigan ka nalang sa malayo,
Susuportahan ang kaligayahan mo.Kung madurog ka man niya ng pino,
Masaktan man niya ng todo-todo,
Tandaan mong nandito lang ako,
Tatanggapin ka ng buong-buo.
BINABASA MO ANG
Isang-daang Tula
PoesíaIsang-daang Tula, Iba't iba ang magiging paksa. Sa madla ay ilalathala, Ipapakita ang mga hinanda. Magbibigay ka-alaman, Sa iba't ibang aspekto at larangan. Hindi man gaanong kagalingan, Ngunit bawat salita'y may nilalaman. Tangkilikin ang atin...