L A B I N G - L I M A

10 5 0
                                    

• H U L I N G  M G A  S A N D A L I •

Sayang walang hanggan,
Nagkaroon ng katapusan,
Tanda ng pagmamahalan,
Mayroon ng hangganan.

Kinakailangan ng lumisan,
Sa mundong ipinapasan.
Luha sa mata'y pupunasan,
Sakit sa puso'y iibsan.

Sayang iyong naidudulot,
Kahit saa'y hindi mapupulot.
Mga alala sa dapithapo't,
Magkayap ng walang puot.

Ating huling mga sandali,
Susuliting ng ika'y katabi,
Sakit sa puso ma'y mahapdi,
Ingi-ngiti pa rin ang mga labi.

Ipapa-intindi hanggang sa huli,
Malimutan ma'y hindi na bali.
Pagmamahal ay mananatili,
Hanggang sa huling mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang-daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon