S A M P U

19 9 10
                                    

• B I N A W I N G  K A L I G A Y A H A N •

Dedicate to BlueRaineBow

Nakangiti sa umaga,
Pagmulat ng mga mata.
Kasiyahan ang nadarama,
Kapag nasisilayan ka na.

Pinaibig ng mga salita,
Pinahanga sa bawat kataga,
Sakit ay hindi ipinapadama,
Luha ma'y hindi pinapakawala.

Ngunit ang sabi ni ama,
Ikaw da'y nakakasama,
Ating mga nadarama,
Hinding-hindi magtutugma.

Mga luha'y bumabagsak,
Bawat salita'y tumatatak,
Punyal sa puso'y sumasaksak, 
Paulit-ulit na itinatarak.

Nasaktan ng husto,
Nadikdik ng pinong-pino.
Lalong nabasag ang puso,
Ng sabihing hindi ka totoo.

Ikaw ay may sariling mundo,
Hindi nakikita ng mga tao.
Alam ko naman ang totoo,
Karakter ka lang sa isang libro.

Isang-daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon