L A B I N G - T A T L O

11 7 0
                                    

• I N I I B I G  K I T A •

Sinta, iniibig kita,
Para sa'kin ika'y nag-iisa.
Sa lungkot man o saya,
Ninanais na makasama ka.

Hindi mo man makita,
Nakapikit man mga mata,
Patuloy na ipadadama,
Pagmamahal sa'yo, sinta.

Alam ang nakaka-sama,
Kung ano ang mali sa tama,
Ngunit kahit iba ang nadarama,
Patuloy pa ring minamahal ka. 

Ito ang aking ipaglalaban,
Umabot man kahit sa digmaan,
Ako lang sana ang maging laman,
Ng puso mo ngayong luhaan.

Ang umibig sayo'y madugo,
Daig pa ang malakas na bagyo,
Ngunit patuloy na babayo,
Kahit masaktan pa sa dulo.

Isang-daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon