37; Missing You

2.7K 69 3
                                    


Warning: SPG parts ahead!

Enjoy reading!

__

Bukas. Bukas ang huling araw na binigay ko kay Herman. Siguro naman sapat na 'yon para pag-isipan ang inaalok ko-- or more like kapalit ng hinihingi niya. And to my surprise, tumawag sa akin ang Secretary niya sinasabing magkita daw kami ng boss niya sa isang Chinese restaurant bago ang alas-siyete ng gabi bukas.

"Parating na si Ma'am Hailey!"

Pinagmamasdan ko ang mga staff ng All's Magazine na unti-unting nagkakalakasan sa pagchichismisan. Tarantang bumalik sila sa kanilang ginagawa at nagpakabusy. Kahit si Celeste na kanina lang kausap sila Reynald ay kunwaring inaayos ang suot ko.

"Scared of that woman?" nakangising tanong ko.

"May napatalsik daw kanina si Ma'am Hailey na isang staff." wika nito. Tumaas ang kilay ko sa narinig. Iyon ba ang pinagchichismisan nila?

"Oh, really? Anong kasalanan nung staff sa kaniya?" pag-usisa ko habang kaunting inaayos ang buhok ko.

"Natapunan daw ng kape. Mainit yata ang ulo ni Ma'am Hailey kaya napatalsik agad 'yung si Urania."

Napatango ako. Nagulantang kami nang makarinig kami ng parang nabasag sa labas. Lumabas kami ng dressing room.

"Hindi niyo inaayos ang trabaho niyo! Mga walangkwenta!"

I crossed my arms while looking at Hailey. Namumula na ang mukha nito sa galit habang pinagbabagsak ang ilang gamit sa set.

"Tara na baka madamay pa tayo." pagyaya ni Celeste at bumalik na sa loob.

Kahapon nagsimula ang pagiging boss nito. Utos dito, utos doon. 'Pag hindi nagawa, agad nagagalit. Ilan na bang staff ng All's Magazine ang napatalsik niya simula kahapon? Balak ba niyang ubusin lahat at nang siya na lang matira?

Umiling ako at pumasok na. Dalawang photoshoot na lang at tapos na ako. Maluwag na ang schedule ko bukas at sa susunod na araw. Mabuti na lang at may pahinga pa ako.

"Bye, Miss ganda."

"Bye din, Manong. Ingat sa pag-uwi!" Nakangiting wika ko bago lumabas ng building. Hindi pa man ako nakakarating sa malapit na shed nang bumuhos ang ulan.

Naman, oh! Bakit ngayon pa umulan kung kailan pinapagawa ko 'yung kotse ko? Sino ba naman kasing engot na magc-commute kahit na delikado?

Teka, nasaan na ba 'yung mga bodyguards ko? Bakit wala akong nakikita ni isa sa kanila? Oo nga pala, 'yung dalawa ay pinauwi ko muna sa pamilya nila at 'yung isa ay may sakit habang 'yung dalawa naman siguro kinukuha na 'yung sasakyan ko sa shop.

Nilabas ko ang cellphone ko at balak na sanang itext si Manang para magpasundo sa kakambal niya nang makitang battery low na ang phone ko.

"Malas." Umirap ako sa hangin. Napakalakas pa naman ng ulan. Anong gagawin ko dito? Tutunganga hanggang sa tumila?

Dahil maliit lang at parami na ng parami ang nakikisilong, sumisikip na waiting shed. Mabuti na lang at nakasuot ako ng cap at hoodie. Wala akong kakilala sa kanila wari ko'y sa katabing building sila galing.

"Ano ba huwag kayong magtulakan! Lahat tayo nababasa, eh!"

Nanahimik ako habang pilit na sumisiksik. Tulakan sila ng tulakan kaya 'yung iba kahit umuulan ay sumusuong na. Mas lumakas pa lalo ang ulan. Isa-isa nang nagsialisan ang ilan pagdating ng mga sundo nila hanggang sa lima na lang kaming natira.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon