"Alvarez,"Binuksan ng isang pulis ang pintuang gawa sa bakal. Niluwagan nito ang bukas para makapasok ang lalaking may bitbit na briefcase. Agad akong napatayo at sinalubong si Ram.
"Makakalabas na ba ako?" Tatlong oras mahigit pa lang akong naririto pero pakiramdam ko isang taon na akong nakakulong sa masikip at mabahong selda na ito. Ako lang mag-isa ang nasa loob ng detention cell. Isang papag at maliit na palikuran naman ang nasa bahaging likod ko. Sa tingin ko ay pwede ang dalawang tao dito sa loob.
"We're still processing on that. Hailey planned to file a case for concubinage against you."
"Concubinage?"
"Yes, but she backed out. She cannot file a case for concubinage against the mistress without implicating her husband."
Napatango ako.
"Makakahintay ka pa ba ng ilang oras pa?"
Ilang oras pa?
Tumango ulit ako. "Si Daddy. May balita ka ba kay Daddy?" tanong ko.
"He's still recovering from shock pero nagbilin ang Tita mo na huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal makakalabas ka rin dito."
Napatingin ako sa simentong sahig at kumunot ang noo. "Do I have a chance to be free? I mean, hindi ko naman tinangkang patayin si Hailey. I accidentally push her to defend myself from her."
He tapped my shoulder. "We're on it, Marie. Huwag kang mag-alala malakas ang salita na'tin laban sa Samuel."
Nag-usap pa kami ni Ram bago siya sunduin ng pulis na naghatid sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya bago pa siya makalabas.
"Sinong nagpakulong sa'kin, Ram? Si Hendria ba?" Iyon ang nakalimutan kong itanong sa kaniya kanina.
Umiling siya at malungkot na ngumiti. "It's Logan. Si Logan ang nagpakulong sa'yo." Napanganga ako sa narinig. Naghanap ako ng suporta sa gilid ko dahil pakiramdam ko mawawalan ako ng balanse sa pagkabigla.
Si Logan ang nagpakulong sa'kin? B-bakit?
Hindi ko alam kung ilang oras akong natapos sa pag-iyak. Hindi lang talaga ako makapaniwalang si Logan ang dahilan bakit ako nandito. Tulala lang ako buong oras hanggang sa hatiran ako ng pagkain ng isang pulis. Tinitigan ko lang ang tray at walang balak na galawin iyon.
Sobra naman yatang karma itong ibinigay niyo sa'kin, Lord? Bakit naman ganito?
Nagpupunas ako ng luha nang magpakita si Tita Corazon sa akin. Agad akong napatayo at lumapit sa seldang bakal.
"Elizabeth," Mangiyak-ngiyak na hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinalikan iyon. "Dapat pinigilan na kita noon pa. Hindi ko na dapat pinahintulutan na isali ka sa organisasyon. Look at you now." Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa kaniya. Lungkot, galit at pagsisi. Hindi ko iyon pinansin.
"Si Daddy? Kamusta siya, Tita?"
"He's okay now. He wanted to go here and get you back pero bawal pa siyang lumabas kaya ako na lang muna ang pumunta."
Tumingala ako nang magsimula na namang tumulo ang luha ko.
"Everything's gonna be alright, Elizabeth. Hindi kita pababayaan dito." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Sa paraang ito, makabawi man lang ako sa sakit na dinulot ko sa'yo, sa inyo ng kapatid ko." Hindi ko na napigilan pa at humagulgol na ako ng iyak. Para akong batang pinapatahan at inaalo niya. I suddenly missed my Mom.
BINABASA MO ANG
The Side Chick Woman✓
RomanceWARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if you're an open-minded, please, read at your own risk. Disclaimer: This story is written in Tag-Lish - Marie Elizabeth's Story "I am not that...