"Marie?""Marie!"
Nabalik ako sa reyalidad nang pitikin ni Kim ang noo ko. Napaayos ako ng tayo at humingi ng tawad sa baklang kinukuhanan ako ng picture.
"Pout your lips, Madame." wika nito na sinunod ko naman. Inayos nila ang veil ko at muling na namang kinuhanan ng picture.
Ilang minuto pa kaming nagtagal sa suit dahil kinakailangan kuhanan lahat ng suot at galaw ko. May nakatutok na video camera sa'kin habang lumalabas ako ng Hotel. May iilang media din akong natanaw sa malayo. Hindi sila makalapit dahil hinaharangan sila ng bodyguards ko.
"Kita na lang tayo sa simbahan, Marie. Hoy, Maia," Kinalabit ni Kim si Maia na nagreretouch sa tabi ko. "Ingatan mo ang kaibigan na'tin, ha!"
"What the hell, Kim? Hindi ako ang driver kaya 'wag mo sa'kin sabihin 'yan." Umirap si Maia at napailing.
Natawa ako. "Sige na, Kim, mauna ka na. Sabihan mo sila na paparating na ang bride." wika ko at kinindatan siya. Wala itong nagawa kundi sundin ang sinabi ko.
Ramdam ko ang kaba ko habang papalapit kami ng papalapit sa simbahan. Nakita kong nagsimula nang magmartsa ang ilang abay sa kasal namin ni Bont. I even saw Ino wearing his tuxedo and Sharnella with her pretty cute gown made by Suada. Inalalayan ako ni Maia sa tail ng gown ko habang naglalakad kami palapit sa pinto ng simbahan. Nauna nang pumasok si Maia at naiwan na lang akong mag-isa.
There's no turning back now, Marie..
Huminga ako ng malalim bago hinanda ang sarili nang magsara ulit ang pinto pagkatapos pumasok ng huling abay. Binati ako ng ilang staff ng simbahan na nakatayo sa labas at inalalayan ng unti-unting bumukas ang pinto at pumailanlang ang magandang musika sa loob.
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan na naglalakad sa gitna ng altar habang nakatingin sa harap kung saan naroon ang pari na magkakasal samin. Dapat ay masaya ako dahil ito na ang araw na hinihintay ko pero bakit gan'on? Bakit hindi ko makapa sa sarili ko ang kasiyahan na dapat ay mayroon ako ngayon? Tama ba ang desisyon kong ito?
"Marie! Hoy, Marie!"
Napakurap ako ng ilang beses nang makita kong nagtataka ang mukha ng mga tao sa loob. Doon ko lang namalayan na napahinto na pala ako sa paglalakad. Nilapitan ako ni Herman at Daddy Ronaldo at sila na mismo ang umalalay sa akin. Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang makita ko si Logan sa isip ko habang umiiyak at nagmamakaawa sa harapan ko. Napakagat ako ng labi at umiling-iling. Si Bont dapat ang iniisip ko. Tama si Bont dapat. Pagtingin ko kay Bont, nahulog ang panga ko nang si Logan ang nakita kong nakatayo sa harap. Kusang huminto ang paghakbang sana ng mga paa ko. Takhang hinawakan ako ni Daddy at tinanong kung anong problema.
Umiling ako at ngumiti na lang. Ilang dipa na lang ang layo namin kay Bont nang huminto ako. Napatitig ako sa altar ng ilang segundo.
"Babe?"
Napalingon ako kay Bont na lumapit na sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang braso ko at ngumiti.
"I'm s-sorry. I-I'm s-sorry.." Napayuko ako at napahagulgol ng iyak sa harapan niya.
Hindi ko kaya.. hindi ko pala kaya..
Inangat ni Bont ang veil ko at pinunasan ang luha na walang tigil sa pagtulo sa pisngi ko. Nanggigilid ang luha niya sa mata niya.
"B-bakit ka nagso-sorry, babe? Ayaw mo na bang makasal sa'kin? Nagbago na ba ang i-isip mo?" Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya.
"T-tell me.. gusto mo pa bang makasal sa'kin?" Tila nahihirapan na tanong niya. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Niyakap niya ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Side Chick Woman✓
RomanceWARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if you're an open-minded, please, read at your own risk. Disclaimer: This story is written in Tag-Lish - Marie Elizabeth's Story "I am not that...