Mabigat ang paang bumaba ako sa lobby. Tumakbo ako palabas ng building at hinayaan ang sariling mabasa. Sumasabay sa malakas na ulan ang pag-agos ng luha ko.Bago pa ako makahakbang palayo, may humarang na kotse sa harapan ko at lumabas si Kim na may dalang payong.
"Baliw ka na ba?!" Ipinasok niya ako sa kotse niya at pinatay ang aircon. Siya na ang nagtuyo sa basa kong buhok.
"Bakit ka ba nagpaulan, ha? Paano kung magkasakit ka?!"
Nakagat ko ang ibabang labi ko, stopping myself not to cry. Hindi ko na napigilan pa ang hikbi ko at tuluyan ng humagulgol. Niyakap ako ni Kim at masuyong hinagod ang likod ko.
"Anong nangyari? Nakausap mo ba siya?"
Umiling ako.
"Gusto mo na bang umuwi tayo?"
Tumango na lang ako. Hindi na siya nagtanong pa at tahimik na lang na nagdrive. Tulala lang ako buong biyahe at hinahayaan na lang ang luhang walang tigil sa pagpatak. Nasa gate na kami ng rest house ni Daddy nang pigilan ko si Kim. Nag-aalalang tumingin siya sa'kin.
"Huwag dito. Please.."
"Saan?"
Sinabi ko ang address sa kaniya at ilang saglit pa pinaandar na niya ulit ang kotse pabalik.
"You can go home now, Kim. Salamat sa paghatid."
"Sure ka ba na dito ka muna? Free naman ako, I can stay here with you--"
"I.. I want to be alone for a while. I hope you understand that." Ngumiti ako at nagpaalam na sa kaniya. Lumabas ako ng kotse niya at tumakbo palapit sa gate. Agad na binuksan ni Manong ang gate at pinayungan ako.
"Hindi po kayo nagsabi na uuwi kayo. Day-off po lahat ng maids niyo, eh."
Ngumiti ako kay Manong nang makasilong na kami. "Hindi na po kailangan. Hindi naman po ako magtatagal."
"Gan'on ho ba, sige po pumasok na kayo sa loob at malakas ang hangin dito sa labas baka magkasakit kayo."
Nginitian ko siya pati na rin 'yung tinulungan kong nagtitinda ng Ice Cream sa park. Tinulungan niya akong buksan ang pinto at nagpaalam nang babalik sa guardhouse. Umakyat ako sa second floor at nagtungo sa kwarto. Malawak ang espasyo ng kwarto ko ngunit pakiramdam ko parang unti-unti akong sinasakal dahil sa sakit na nararamdaman ko sa loob loob ko.
I walked towards to the bed and caressed the soft mattress. Ang kamang ito ang saksi sa bawat gabi naming pag-iisa ni Logan. Saksi din ito sa kalungkutan at sakit na dinadala ko sa tuwing hindi ko siya katabi. The loud sound of the rain filled the empty room. It's also banging on the metal roof. As soon as I saw the bolt of lightning in the night sky, I abruptly close the curtains and went to my bed. The raindrops became more heavy and harder every seconds. I cuddle in the bed and lay down under the soft blanket. I'm now with no one but only myself.
I close my eyes and force myself to sleep. I'm tired, too tired that I can't even think that I'm hungry. Gusto ko na lang magpahinga pero punyeta 'tong luha ko, hindi maubos-ubos.
I stayed awake until midnight. Hindi pa rin humuhupa ang malakas na ulan kasabay ng kulog at kidlat. Dinalaw lang ako ng antok when the clock stops at two. Naalimpungatan ako dahil sa malakas na kulog na yumanig sa buong kwarto. Kinapa ko ang gilid ko only to find that no one sleeping beside me, no Logan with his warm body. Nagsimulang magsituluan ang luha ko. Bumabalik na naman 'yung sakit lalo na't parang sirang plaka ang boses ni Logan habang tinatawag si Hailey sa pagtulog niya.
BINABASA MO ANG
The Side Chick Woman✓
RomanceWARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if you're an open-minded, please, read at your own risk. Disclaimer: This story is written in Tag-Lish - Marie Elizabeth's Story "I am not that...