57; Memories Bring Back Feelings

4.1K 86 30
                                    


Warning: This part contains slightly SPG. Please, read at your own risk. (lol)

_

I can't find my words. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko at nalilitong inilibot ang paningin ko sa paligid.

"W-what-- what is t-this?" Bumaling ang tingin ko sa harap. Nakatitig lang siya sa'kin at kapagkuwan ay may sinenyasan. Lumapit ang pamilyar na lalaki sa akin at kinalag ang tali sa kamay ko.

"Sorry, Marie." Hinging paumanhin niya. Sinenyasan niya ang ilang kasamahan niya at lumabas ng kwarto. Tinignan ko ang taong nasa harapan ko at kanina pa hindi umiimik.

"A-anong ibig sabihin nito?" Kumuyom ang kamao ko.

"I'm sorry if I scared you."

Nalilitong nakatingin lang ako sa kaniya thinking what is really happening. Nang tumalikod siya ay doon lang ako napatayo.

"Why did you kidnapped me, Luigi?"

"Hindi ako ang nagpakidnap sa'yo, Marie." sagot niya at iniwan akong tulala.

Kung hindi siya, sino?

Inilibot ko ang tingin sa buong silid. Hindi pamilyar sa akin ang silid na 'to. Tumayo ako at nagtungo sa pinto. Pikit matang pinihit ko ang doorknob. Akala ko makakalabas na ako pero shit lang nakalock ang pinto sa labas. I can't open it.

Damn it!

"Luigi!"

"Open this damn door, Luigi!" Kinalabog ko ng malakas ang pinto hoping that he would free me. But no, sumakit lang ang kamay ko sa ginagawa ko dahil hindi pa rin niya binubuksan ang pinto.

"Luigi! Palabasin mo ako dito!" Tili ko at napaupo na lang sa sahig. Tinignan ko ang kamay kong namumula na ngayon. Walang ganang tumayo ako at sa kama na lang naupo. Wala masyadong gamit ang kwarto, wala ring laman ang mga cabinet at closet.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatanga. Kahit magtungo ako sa bintana hindi pa rin ako makakalabas dahil may grills iyon. Napabaling ako sa direksyon ng pinto dahil narinig kong parang nagbukas iyon. Naghintay ako ng ilang segundo pero wala pa ring pumapasok sa loob kaya tumayo na ako. Pinihit ko ang doorknob at laking tuwa ko nang mabuksan ko ang pinto. Muli kong nilingon ang kabuuan ng silid at pumihit na paharap.

Ngunit gan'on na lamang ang pagkabigla ko nang pagtingin ko sa labas ng pinto, nakatayo ang taong matagal ko ng ibinaon sa limot. Kusang napaawang ang labi ko at napaatras nang humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya. Puno ng lungkot at pagkasabik ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Elizabeth,"

Lumagapak ang palad ko sa pisngi niya nang maklaro ko lahat. Malakas ang pakiramdam ko na siya ang pasimuno ng lahat ng ito. Akala ko si Hailey, iyon pala ay hindi. Pero bakit? Anong dahilan niya?

Hindi nakalagpas sa mata ko ang butil ng luha na tumulo sa pisngi niya bago niya ako ikulong sa mga bisig niya. Hindi ako agad nakareact lalo na n'ung higpitan niya ang yakap niya sa'kin.

"I'm sorry about w-what happened to o-our baby. I-It's.. it's my f-fault. I'm sorry."

Kusang nagmabilis ang mga likido sa mata ko tila may karerang nagaganap dahil sa paghingi niya ng tawad.

"I'm s-sorry, I'm really r-really sorry.." Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Ilang segundo akong hindi nakagalaw at doon lang ako natauhan nang maramdaman kong nababasa na ang balikat ko.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon