"Hey," I smiled at them. Maia with her two year old baby girl beside her was sitting across to Kim. Napatayo si Maia at nakipagbeso sa akin. I kissed Autumn's cheeks before turning to Kim's direction. Busangot naman ang mukha niya na halatang wala sa mood."What's with that face? Hindi mo ba ako sasalubungin ng yakap man lang? May pasalubong pa naman ako." I said at umupo sa tabi niya. Kakauwi lang namin galing U.S, and it's my second time seeing them here after so many years.
"Problemado ang isang 'yan."
"Why? What's the problem?"
"Naku, gan'on pa rin, 'te." Natatawang wika ni Maia. Inirapan lang siya ni Kim at nagcrossed arms.
"Why? Kasama pa rin ba ni Raj ang asawa niya?" Napakagat ako ng labi nang magtubig ang mata niya. Sinipa ako ni Maia sa paa at pinanlakihan ng mata. "I'm so sorry, Kim. Matagal ko na kasing sinasabi sa'yo na hiwalayan mo na ang lalaking 'yon." Wala na rin namang patutunguhan ang relasyon nila ni Raj Samonte, eh. Mukhang walang balak na makipaghiwalay ang lalaking 'yon sa asawa nito.
"I can't. Mahal na mahal ko 'yung gagong 'yun, eh." Sumisinghot na wika niya.
"Makakahanap ka rin ng iba, Kim. 'Yung mas better kay Raj. Malay mo nasa tabi-tabi mo lang pala 'yung the one mo." Inabutan ni Maia si Kim ng tissue.
"Hindi ka pa napapagod maghabol, Kim? Gusto mo iuntog ko din ang ulo mo para matauhan ka?" I tried cracking a joke, but it seems like it isn't kasi mas lalo siyang napaiyak. I'm really bad at throwing jokes. Yeah, so bad.
"Hindi naman ako kasing tatag mo, Marie. Nakayanan mong magmove on agad pero ako, iniisip ko pa lang parang.. parang mamamatay na ako." Lumalakas ang hagulgol niya kaya niyakap ko na lang siya at pinatahan. Nagtitinginan na kasi ang mga tao sa restaurant baka akalain pa na nasa shooting kami.
"It takes time to get fully healed, Kim. Kung palagi mong iisipin na hindi mo kaya, hindi mo talaga kakayanin. You just have to believe in yourself." I smiled at her and hug her tight.
"Anong drama 'to?" Binuhat ng bagong dating ang anak ni Maia at siya ang umupo sa upuan nito.
"Nandito ka na pala, buntis." Kinuha ni Maia ang anak niya at iniupo na lang sa kandungan niya.
"Ang hirap maglakad mga bes! Bakit ba kasi dito pa ang meeting place kung pwede naman sa bahay na lang?" Nagmamaktol na wika nito. Ngumiti lang ako nang mapatingin siya sa gawi ko. "O anong drama ng isang 'yan? Hiniwalayan na?"
"Isa ka pa, Misty, huwag mo nang gatungan pa." Napapailing na lang si Maia habang sinusubuan ang anak niya.
"Hello there, Marie. Kamusta?" Ngumiti ng matamis si Misty. Halos wala naman nagbago sa kaniya. Kung ano siya noon, gan'on pa rin siya ngayon. Nakita ko naman kung paano siya lubos na nagsisisi kaya tinanggap ko na siya ulit. Before I leave, pinatawad ko na siya. Ngayon lang talaga kami ulit nagkita after 4 years.
"I'm always fine. How about you? The last time I saw you buntis ka and now, buntis ka ulit." sagot ko na medyo natatawa. Natawa rin si Maia at si Kim na nagpupunas na ng luha.
"Hindi yata uso sa kanila ang birth control. Biruin mo ba naman sa pitong taon na nakalipas, apat na agad ang anak nila." Napapairap na wika ni Maia.
"Ano ba kayo, masarap kaya sa feeling ang maraming anak. Maraming mag-aalaga sa'yo 'pagtanda mo." Kinuha ni Misty ang lasagna ni Kim at nilantakan iyon.
"Hah! Nasasabi mo 'yan kasi hindi ka pa nagkakaanak. Naku, Kim, kung ikaw ang nasa posisyon ko, mas pipiliin mo na lang na gumamit ng condom ang asawa mo kaysa paulit-ulit kang putukan sa loob."
BINABASA MO ANG
The Side Chick Woman✓
RomanceWARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if you're an open-minded, please, read at your own risk. Disclaimer: This story is written in Tag-Lish - Marie Elizabeth's Story "I am not that...