Ilang araw akong naging busy sa office. Minsan nga ay dinadalaw na lang ako nila Maia sa company 'pag hindi hectic ang schedule ko para may time pa rin kaming magchikahan. Kahapon naman si Tanya ang pumunta dito kasama si Celeste at muntik pa akong masabunutan ng dalawang gaga sa sobrang pagkabigla.Sino ba naman ang hindi mabibigla kung biglang umangat ako? From model to CEO? Mabuti na lang talaga at hindi pinalabas ni Herman sa media ang tungkol sa pagbaba niya sa pwesto. Ang alam ng marami ay siya pa rin ang may-ari ng kumpanya. Noong isang araw ay may press conference ang Samuel Corporation dahil magkakaroon na ng isa pang branch sa London. Si Herman pa rin ang umaktong CEO.
Sa nakalipas na araw, hindi ako tinantanan ng mag-ina. Ngayon nga ay sumugod si Hailey dito, telling me to back off. Hindi na kasi umuuwi si Logan sa kaniya dahil ilang gabi na kaming magkasama na natutulog sa condo.
"Baka nagsawa na kaya hindi umuuwi sa'yo?" Pagpaparinig ko at kunwaring busy sa pagpirma ng ilang mga papeles.
"Bitch! Malandi!" sigaw niya kaya napaangat ang ulo ko.
"Mrs. McFord, baka nakakalimutan mo kung nasaan ka? Wala ka sa palengke para magsisigaw." Sumandal ako sa swivel chair and crossed my arms above my chest.
"Desperate bitch! Inagaw mo na nga si Logan sa'kin pati ba naman kumpanya ni Daddy aagawin mo pa?!"
Tumaas ang kilay ko. "Wala akong inaagaw sa'yo, Hailey. Nagkataon lang na para sa'kin siguro ang kumpanya at.. si Logan." Ngumisi ako pagkatapos kong sabihin iyon.
Akmang susugod siya nang magbukas ang pinto.
"Hailey!" Pumasok si Herman kaya napalingon si Hailey dito. Nanlisik ang mata niya nang lumingon sa'kin. Walang sabi-sabi itong umalis at nilagpasan lang ang ama.
"I'm sorry for Hailey's behavior, hija." Naglakad si Herman at naupo sa upuan na nasa harap ko.
"What are you doing here?" I coldly asked. Bakit ba siya punta ng punta dito? Binigay na niya sa'kin ang kumpanya niya bakit nakikialam pa siya?
"I'm just checking on you."
Tumaas ang kilay ko. Hindi ako naniniwala na iyon lang ang reason niya. Pwede naman siya magtanong na lang kay Yvan, no need to go here and act like a concern father.
"I'm busy, you may go." It's disrespectful I know but this is the only way I can do. Ayoko siyang nakikita dahil hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit ko sa kaniya. Porke't binigay na niya sa'kin ang kumpanya niya, kakalimutan ko na lahat ng pasakit na ginawa niya kay Mommy? No fucking way.
"Mailap ka pa rin sa akin. You can't even call me Dad."
"I don't want to. Hindi porket tinanggap na kita bilang ama ko ay tatawagin na kita sa gusto mo."
Napayuko siya. "I know. I know you're still mad at me for being a jerk to your Mother but believe me, Elizabeth, pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko."
Hindi ako umimik. Nagpakabusy ako sa pagbabasa ng report. Walang pumapasok sa utak ko na mga salita mula sa binabasa pero hindi ko pa rin inalis ang tingin sa hawak na papel. Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. Pagkaraan ay naramdaman kong tumayo na siya.
"I guess you don't want me here. But please, Elizabeth, don't dwell on your past. Learned to forgive."
"Yvan," tinawag ko sa intercom ang secretary ko. "Please assist Mr. Samuel to the exit." Pumasok si Yvan at iginiya ang dating boss sa pinto. Hindi ko na sila nilingon pa at binigyan na ng pansin ang kanina pang binabasa.
BINABASA MO ANG
The Side Chick Woman✓
RomanceWARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if you're an open-minded, please, read at your own risk. Disclaimer: This story is written in Tag-Lish - Marie Elizabeth's Story "I am not that...