Ilang minuto na akong nakatulala sa kwarto ko at walang tigil sa pag-iyak. Hindi mawala sa isip ko 'yung nangyari kanina. I was left dumbfounded. Ni hindi ko na nga namalayan na ako na lang pala mag-isa doon sa hallway. I tried contacting Logan but he never answered any of my calls."Marie?"
Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Blankong nilingon ko sila Maia hanggang sa makalapit sila sa kama. Maybe they already heard the news that's why they're here. Napalabi ako at napaiyak nang yakapin niya ako.
"Let it out, Marie." Hinagod ni Kim ang likod ko at kinabig ang ulo ko sa dibdib niya.
Buti na lang nandito pa rin sila para damayan ako. Humupa na ang walang tigil kong pag-iyak at pinipilit ko na lang na kumalma. Binigyan ako ni Kim ng tubig na tinanggap ko naman agad.
"H-how did it happen? Paano lumabas ang voice recording na 'yon?"
"Kim is right. Tayo-tayo lang naman ang nag-uusap noon, 'di ba?" saad ni Maia.
"Kung ganun, sino ang nagrecord ng usapan na'tin?" frustrated na tanong ko. Masakit na ang ulo ko kakaisip kung paano nangyari 'yon. Kami kami lang magkakaibigan ang nag-uusap noong mga panahon na iyon. Unless isa sa kanila ang trinaydor ako.
"Teka, nasaan na ba 'yung si Misty? Ang sabi niya papunta na siya dito?" Napalingon ako kay Kim na mukhang tinatawagan na si Misty sa phone nito.
"Nasaan nga ba ang babaeng 'yon? Bakit wala pa siya?" Lalabas na sana ng kwarto si Maia nang biglang bumukas ang pinto.
"Bakit ngayon ka lang?" Tumayo sa couch ko si Kim at nagpameywang sa harapan ni Misty.
"N-nasiraan ako." Hindi nakalagpas ang sa paningin ko ang malikot niyang mata, tila iniiwasan ang titig ko.
"Pakisara ng pinto, Misty." utos ko. Napatingin siya sa gawi ko ngunit nag-iwas din agad ng tingin.
"Uhh, kamusta?" Nag-aalangan itong lumapit noong una. Napaupo siya sa tabi ni Maia nang mapalingon ako sa kaniya.
"I'm not fine." Nag-isang linya ang labi niya at tumango lang. Sinabi ni Kim ang pinag-usapan namin at ang nangyari sa'kin kanina. Pasimple ko lang siyang pinagmamasdan habang siya naman ay nakikinig kay Kim.
"Can someone do me a favor, please?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang wallet ko sa side table.
"My head is in pain. Wala akong stock ng gamot dito kaya kung pwede sana pabili ako sa malapit na botika."
"Ako na ang bibili ng gamot mo, pren." Ngumiti lang ako ng tipid kay Kim na nagprisinta.
"Samahan ko na siya." Lumapit si Misty kay Kim na pinipihit na ang doorknob.
"Misty, pwede bang makisuyo din ako?" Lumingon siya sa'kin at ngumiti.
"Sure."
"Can you cooked for me?" Napahawak ako sa tiyan ko. "And oh, buy some ingredients too. Wala na rin kasi akong stock sa kitchen. I want pork caldereta."
"S-sige. Iyon lang ba? Baka may gusto ka pang ipabili sabihin mo lang."
"Wala na." Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan hudyat na lumabas na sila ng kwarto ko.
"What are you thinking, Marie?"
"What?" Sinilip ko si Maia na kumakain ng chips sa couch. Lumapit ito sa kama at naupo sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
The Side Chick Woman✓
RomanceWARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if you're an open-minded, please, read at your own risk. Disclaimer: This story is written in Tag-Lish - Marie Elizabeth's Story "I am not that...