1

82 7 0
                                    

To the readers, kung meron man diyan. I'd like to give you an early warning that the story you're about to read is not the best of the best.

If your standards is as high as the Mt. Everest, you better stop.

Thank You! I know there's someone out there who supports new writers and I'm thanking all of you in advance.

xxx

I've been listening to Taylor Swift's newly surprise released album called 'folklore'. Try to listen to it guys and dig deeper to the lyrics.

xxx

This is Zen Wistaria of Akagami no Shirayukihime [ Snow White with the Red Hair ]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This is Zen Wistaria of Akagami no Shirayukihime [ Snow White with the Red Hair ]. He is the portrayer of Callen Serene Ceirto.

Isn't he look hot?

xxx

[ START ]

PAINTING CHAPTER ONE

Callen Serene Ceirto's Point of View

Alas singko na ng madaling araw at gising na gising parin ako. Kasalukuyang gumagawa ako ng isang Acrylic Painting dito sa aming balcony. Sobrang napakahirap nito kaya tumagal lang naman ako ng labing-dalawang oras para matapos ito.

Nagpunas muna ako ng pawis sa noo ko at nakangiting pinagmamasdan ang aking obra na nasa canvas panel. Ang gaan sa pakiramdam at nakakahinga na ako ng maluwag dahil naging matagumpay na din ang ginawa kong obra ngayon kasi ilang beses din akong pumalpak at umulit ng umulit.

Binitawan ko na ang aking flat na paintbrush at kinuha ang iba pang paintbrushes tapos hinugasan ko ang mga ito. Medyo inaantok na ako at napapahikab na ako.

Pinasok ko sa aking bag ang mga kagamitan ko at isinukbit ko ito sa likuran ko at inalsa na ang aking canvas panel papasok sa bahay.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang katahimikan sa loob. Wala ang parents ko dito at matagal na akong mag isang nakatira sa bahay namin. Wala din akong kapatid. Nasa Amerika ang Mama at Papa at nagtatrabaho sila doon bilang stockbroker o bolsista. Mahirap ang trabahong iyon at hindi basta-basta.

Minsan lang sila nakakauwi sa bahay at naiintindihan ko naman iyon. Ginagawa nila ang lahat para sa akin. Magtatanim pa ba ako ng tampo at galit? Labing siyam na taong gulang na ako at marunong na akong umintindi. Nagiging mature naman na ako kahit na sabihin nating paunti-unti lang.

Diretso akong pumasok sa kwarto ko at ipinwesto ko ang aking Acrylic Painting sa tapat ng kama ko na may limang metro ang layo. Gusto kong ito ang unang makikita ko pagka gising ko.

Painting [ BL ]Where stories live. Discover now