MC 2

237 18 22
                                    

MC 2: Dreams

Paano mo masasabing nananaginip ka?

Una, kapag nasaktan ka ay  magigising ka agad.

Pangalawa, ang mga images ay hindi malinaw, paiba-iba ang lugar ng mga pangyayari.

Pangatlo, may mga bagay na makikita mong imposibleng mangyari sa totoong buhay.

Katulad ng nangyayari ngayon.

Naglabasan na ang tubig mula sa TV. Pati ang cellphone ko ay nahulog na sa sahig na puno na rin ng tubig. Tubig na malamig. Tubig na mula sa lawa sa loob ng TV. Umagos iyon sa sahig papunta sa mga paa ko. Sa isang agos ay naitulak ako nito paatras at natumba. Sa panibagong agos ay nabasa ang buong katawan ko at lumubog na ako sa tubig.

Tubig na malamig. Tubig na malinis at animo'y galing lang sa gripo.

I started thinking. Panaginip nga lang ba ito? E, kasi naman. Di ba't kapag nabasa ka sa panaginip mo ay ibig sabihin ay binuhusan ka ng tubig habang natutulog ka? Kapag nakaidlip ka habang may inuutos ang Mama mo o hindi naman ay dahil oras nang gumising pero humihilik ka pa rin?

Pero paano kung nasa ilalim ka na ng tubig pero hindi ka pa rin nagigising?! Niloblob na ba ako ni Ate Dhon sa drum kasi ayaw ko pang magising? O baka binagyo na kami't lahat pero tulog mantika pa rin ako?

Katulad nga ng sabi ko ay tuluyan na ngang nasasakop ng tubig ang buong sala. Nahihirapan na akong humanap ng hangin.

I look around and see what is happening in our living room. Some things were moved, and floated. Halos kapareho ko na ang mga ito na basa na. The water keep on flowing from the TV at minuto lang ay wala nang ibang space na pwedeng puntahan ang tubig. Tuluyan na akong lumubog sa ilalim dahil wala na rin namang hangin na pwedeng makuha sa itaas.

I think of ways para makawala sa tubig. When I thought of the windows, I swam towards it to try to open it pero locked. Gano'n din sa pintuan. Ngunit ang pinakanakakapagtaka ay para bang may invisible na pader sa pagitan ng sala at hagdan. Hindi bumabagtas doon ang tubig. I tried to swim to get there pero may magical force ang humihila sa akin pabalik. Na para bang gusto nitong sa sala lang ako, sa harap ng television.

Mula sa TV ay nagpatuloy ang eksena sa Cinderella Movie. Sa ilalim ng tubig ay malinaw kong nakikita ang liwanag na binibigay ng telebisyon sa buong paligid. Nasa tubig pa rin si Cinderella at halos magkapareho na kami ng sitwasyon. Pareho kaming nagpipigil ng hininga sa ilalim ng madilim na tubig. Siya, sa ripped niyang so-called gown at yellow na sumasayaw na buhok at ako na naka-pantulog na pants at t-shirt, at may sumasayaw na kulay itim na buhok.

Malulunod na kami pareho. Hindi ko alam na may part pala sa Cinderella Movie na malulunod siya at may plano pa atang isama ako.

Malulunod?!— Wait! WHAT?!

Walang parteng malulunod si Cinderella sa movie niya! Hindi siya nahulog sa lawa at lalong hindi siya bumagsak sa tubig. Sa lupa dapat iyon. Sa lupa!

At tsaka bakit pati ako nadamay? Palibhasa ba mas maganda ako sa kanya kaya gusto niyang pati ako ay mawala?

Napaka-unfair naman no'n!

Kung basagin ko kaya ang TV ng matapos na ang kahibangan na ito? Oo, tama!

Agad akong lumangoy para makuha ang tubo mula sa may bintana. Iyon bang nilalagyan ng kurtina. Tsaka lumangoy pabalik  sa TV at puwesto. Akmang ihahampas ko na ang tubo sa screen ng TV nang isang pares ng mga mata ang sumilip dito at tinignan ako ng diretsyo na animo'y nakikita niya rin ako katulad ng pagkakita ko sa kanya.

It's blue, a bright blue na in-admire ko palagi. Nakatingin siya sa akin at ako sa kanya. Para kaming salamin sa isa't isa. Ang kaibahan lang ay ang buhok at mga mata namin. Mistula kaming nasa bintana. Tinitignan ang bawat isa ng may kuryusidad.

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon