MC 8

135 16 7
                                    

MC 8: The Princess

Naniniwala ba kayo sa kasabihan na kapag minamalas ka ngayong araw, suswertehin ka kinabukasan? Kapag naman daw umiiyak ka ngayon, tatawa ka naman daw mamamayang hapon? Pwede din naman daw mangyari ang kabaliktaran.

But for me, it is destined to happened. Kahit bali-baliktarin ang mundong ito ay magtatagpo at magtatagpo pa rin kami ng prinsipe dahil simula pa lang ay siya na ang sumalubong sa akin sa mundong ito at nagku-kwentuhan na rin kami ng matagal, long enough to be call as the prince's friend. Kapag nagsumikap pa ako ay pwedeng mainlove na siya sa akin.

Then THE END.

Pwede na akong makabalik sa sariling mundo ko at pwede ko na ring ibitay patiwarik ang pamangkin ko na iyon.

Isang nakakaasar na belat ang binigay ko kay Ceros, the right handman, iyong totoong Ceros na talaga. Sinamahan ko pa ng matalim na irap. Ha! Akala mo no! Akala mo lang iyon!

Nakita ko naman kung paano ito nagpigil na sugurin at saktan ako. Ha! Manigas siya! Nang dahil sa kanya ay muntikan na akong ma-stuck sa mundong ito. Mabuti na lang at natagpuan ni HENRY, the prince, ang kalahating floppy slipper ko at naisip niyang baka sa akin iyon. At ta-da! Natagpuan niya ang beauty ko. Parang lost and found lang, ano?

"Ito na ba ang tinutukoy mo, aking prinsipe?" Isang matandang lalaki na mataba ang biglang niyakap ako. Sobrang higpit ng yakap niya kaya't nangapa ako ng hangin. Mabuti na lang at marunong makiramdam si Prince Henry (unlike ng isa dyan) at hinila ako agad palayo sa matanda.

"Siya nga ho, Ama."

Bahagya naman akong napayuko nang ma-realize ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko kasi adag siya nakilala. Sa suot ba naman kasi nitong pangtulog at may parang Christmas hat pa sa ulo, imbes na korona at kung magsalita din ito ay parang hindi hari. Ni-hindi nga ako nangilabot nang magsalita ito.

"Naku, hija. Huwag na." Dahan-dahang itinaas ng Hari ang nakayuko kong mukha. "Dapat masanay ka nang harapin ako dahil simula sa araw na ito ay mapapadalas na ang pagkikita natin."

Biglang may naubo sa sinabi ng Hari at alam ko na hindi si Prince Henry iyon kundi ang dakilang kanang kamay niya. Natakot sigurong magsumbong ako sa Hari.

"A-ah, opo. Mahal na hari."

Ngumiti naman ang Hari sa akin at sa huling beses ay niyakap ako ng mahigpit. Pagkatapos naman sa akin ay si Prince Henry naman ang nilapitan nito at may ibinulong. Kitang-kita ko kung paano namula ng husto ang prinsipe na ikinatawa ng Hari.

Hmm. Ano kaya 'yon?

Nang tuluyan ng makaalis ang Hari ay lumapit na ulit sa akin ang prinsipe.

"Pasensya na sa inasta ng Ama. Masyado lang natuwa nang makita ka niya."

Ngumiti na lang ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. Hindi naman halata, mahal na prinsipe. Gusto ko sanang sabihin pero baka iba ang maging dating sa kanya kaya huwag na lang. Nagpapa-good shot pa naman ako.

"Ano ka ba! Ayos lang sa akin. Nakakatuwa din naman na makilala ang Hari ng personal."

"Mabuti naman." Bigla siyang natigilan. "Nga pala, may gustong humingi sayo ng tawad." Tapos tinawag niya si Ceros na agad ding lumapit sa amin. "Sabihin mo na, kaibigang Ceros."

Dahil alam kong back-up ko ang prinsipe plus ang Hari ay smug kong tinignan si KAIBIGANG Ceros pero inalis din agad dahil baka makita pa ng prinsipe.

"P-pasensya na sa lahat ng nangyari, Binibining Cinderella. Hindi ko sinasadya na mapagkamalan kang 'magnanakaw' kagabi."

At idiniin niya talaga ang salitang 'magnanakaw'? Napagkamalan? Kagabi? E, ang ganda-ganda ko kaya kagabi tapos... tapos... sasabihin niyang mukha akong magnanakaw?! Malupet din ang isa na ito ah!

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon