MC 16

91 14 10
                                    

MC 16: Risk Everything

Paikot-ikot ako sa kwarto ko. Hindi ako makatulog, ni dapuan man lang ng kaunting antok ay hindi. May masamang mangyayari, iyon ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Iba ang dating sa akin ng biglang paghinto ng oras.

Is it another twist? A good one or bad one? Which is it? Tapos na ba ang oras ko? Did I unconsciously said 'I love you, Ceros' that's why it stopped and am I gonna disappear now or later?

Dahil sa sobrang takot ay tinawag ko na si Engkanto pero katulad ng nasa malayo pa kami, cannot be reach ito. What the heck is happening?

Kung dati ay gustong-gusto kong mangyari ang paghinto ng oras pero ngayon hindi. Something's wrong. Something bad will happen and it's not funny at all.

Kaya nang may marinig akong katok sa pintuan ko ay hindi na ako nagulat kung si Daniella ang taong iyon. Hindi pa siya nakaayos, katulad ko ay pantulog pa lang din ang suot niya.

"M-may nangyari bang masama kay Ceros?" Iyon ang unang bungad ko sa kaniya. My face pale and my whole body shaking. What is it?

"K-kasi binibini, kukuha ako ng gatas sa kusina nang marinig ko ang sigaw ng prinsepi sa may bungad ng palasyo na  'Arestuhin si Ceros Trueblood at mamaya pagdating ng araw ay pupugutan ng ulo!' Galit na galit ang boses niya Binibini at narinig ko din ang sigaw ni Ceros na  'Wala akong kasalanan' tapos may narinig na akong mga yapak ng mga kawal at kabayo. Mukhang dadalhin na siya sa entablado sa gitna ng bayan at hinihintay na lang ang pagsi---"

Hindi ko na siya pinatapos, tama na ang narinig ko galing sa kanya. Agad akong tumakbo papunta sa malaking  hagdan sa palasyo, pababa sa malaking hall at sa entrada ng palasyo. Mula sa may malaking pintuan ay nakita ko ang kinakaladkad na Ceros papunta sa isang karwahe na hindi katulad ng sinakyan ko dati. May railings ito at madumi kung titignan. Ang pinto ay nasa likod at may malaking karatula na nakasabit sa labas na 'kriminal.'

"T-teka!" Hindi ko na mapigilan na mapasigaw. Umalingawngaw iyon sa buong paligid at kahit na madilim ang ibang bahagi ng lugar ay alam kong sa akin na nakatutok ang lahat.

"Aking prinsesa," sabi ng prinsepi na agad na tumakbo pataas sa hagdan at papunta sa akin. "Bakit gising ka na? Kailangan mong magpahinga. Kasal na natin mamaya."

Inilibot ko ang paningin ko. May mga tagasilbi sa gilid, mga kawal pero ang pinakakumuha ng atensyon ko ay ang tatlong tigre kasama ang isang lintang ahas sa isang sulok.

"Ano ba ang nangyari? B-bakit inaaresto si Ceros? May ginawa ba siyang masama?" tanong ko sa kanya pero ang tingin ko sa tatlong step family ko at kay Catherine. Bakit sila magkakasama? Ahas pala talaga ang Catherine na iyon. Aish!

"Napakalaking kasalanan ang nagawa niya. Nagsinungaling siya na nag mamahalan daw kayong dalawa. Mabuti na lang at sinabi ni Binibining Catherine ang lahat sa akin."

Kinakabahan ko siyang tinanong. "Bakit? Ano ba ang sinabi ni Catherine sa inyo, mahal na prinsepi?"

"Na nagsisinungaling lamang si Ceros at nag-iilusyon lamang siya. Tsaka sinabi rin ni Catherine na matagal ka nang lumalayo kay Ceros pero lapit pa rin ito ng lapit sayo. Gusto mo na nga raw sanang magsumbong sa akin ngunit natatakot ka lang sa pwedeng gawin ni Ceros sayo. Tama ba ang mga sinasabi niya, aking magiging prinsesa?"

Litong-lito na ako. Napatingin ako kay Ceros na nakaluhod na ngayon sa semento at nakayuko. Habang may isang kawal na nakaabang na patalim sakali mang magpumiglas pa ito.

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon