MC 1

295 23 11
                                    

MC 1: Promise

Nangako ako. Oo, nangako nga ako pero hindi naman siguro kasama sa 'promises must not be broken' kapag hindi mo naman alam kung anong klaseng pangako ang binitiwan mo? Come to think of it nga naman, hindi ko naman talaga naintindihan ang pinangako ko so maybe, it can be broken?

Or is it still my fault because I agreed to something I don't know? So ako pa rin pala ang may kasalanan?

Kinabukasan ay namasyal kami ni Cheska sa parke ng bayan namin. Mabuti at bumalik na siya sa pagiging childish kasi, if ever hanggang ngayon dala niya pa rin ang pangmatandang ekspresyon na iyon, kikilabutan na talaga ako. Mabuti at wala na.

She's hopping happily while holding my left hand at kabila naman ay ang favorite stuff toy niya na si Teddy. Ewan ko ba rito halos araw-araw naman kaming napapasyal dito pero excited pa rin siyang pumunta. Siguro gano'n lang talaga ang mga bata at dahil na rin siguro sa mga kalaro niya kaya't tuwang-tuwa siya palaging pumunta rito.

Malayo palang kami ay tanaw na namin ang mga kaibigan niya kaya't nang tumakbo siya papunta roon ay pinabayaan ko na lang. Umupo na lang ako sa isa sa mga bench stone dito sa parke.

Common lang naman ang parke namin. Iyong malawak, may mga stone na bench na nakapaligid, may berdeng damo at mga pathways na sementado. Typical, yet relaxing. May sariwang ihip ng hangin at masaya sa tenga na huni ng mga ibon. Nasa probinsya kasi kami, unlike sa Maynila.

Huwag niyong masasamain pero hate ko talagang pumunta sa Maynila. Ayoko kasi sa magulong lugar at ayaw ko ring mabuhay nang busy o maraming ginagawa. Hindi ako tamad, ako nga nag-aayos sa bahay at wala kaming katulong pero gusto ko lang iyong relax, walang problema.

Iyon na rin siguro ang dahilan kaya wala pa akong naging boyfriend. Sakit kasi sila sa ulo. Ayaw ko no'n, gusto ko kontrolado ko ang mga bagay-bagay. Oo, mas ayaw ko rin ma-inlove. Alam iyon ng lahat ng nasa paligid ko kaya wala ring naglalakas loob na manligaw.

Dito sa amin ay kilala rin ako bilang maldita.  Hindi 'yong maldita na simpleng foul mouthed lang, kundi iyong maldita na nananakit talaga.
Ako iyon kaya nga alam kong may takot rin si Ate Dhon na iwan sa akin si Cheska, baka daw kasi pagbalik niya ay marunong na rin makipag-away si Cheska.

Ano iyon sakit? Nakakahawa, gano'n?

Pero na-intindihan ko naman. Kaya nga kung masama ako sa ibang tao, anghel naman ako sa tingin ni Cheska. Mahirap na no! Syempre, mas mabuti nang maging good role model sa mga munting mata niya.

"Waa... Waah!.. Huhuhu, Tita!"

Isang malakas na iyak mula kay Cheska ang narinig ko na gumising sa tulala kong diwa. Nang tumakbo ito papunta sa akin ay agad ko naman itong sinalubong ng yakap.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko rito pero iyak muna ang isinagot niya sa akin bago nagsalita.

"T-Tita, si Teddy! Waahh!" Patuloy siyang umiyak. Dahil nabanggit niya si Teddy ay hinanap ko rin kung saan ito napunta dahil wala na ito sa kamay niya.

Bumalik ang tingin ko sa pinanggalingan niya at nanlisik agad ang mga mata ko nang makita ko itong yakap yakap ng isang matabang batang babae at sa tabi nito ay ang nakangiti nitong yaya. Paano ko nasabing yaya niya? Naka-uniform kasi. Ang batang babae ay mga nasa ten years old pataas na siguro pero dahil sa suot nitong jamper at pigtails na nagmistulang sungay ay nagmukha siyang baby damulag.

Kinarga ko si Cheska at matapang na lumapit sa batang kumuha ng Teddy ng pamangkin ko. Hindi naman ako gano'n ka-war freak kaya may ngiti pa naman ang mukha ko nang lumapit ako. Habang ang kamay ay patuloy na hinahagod ang likod na umiiyak pa ring Cheska habang nakasobsob sa balikat ko.

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon