MC Epilogue

181 14 18
                                    

MC Epilogue

Tumagal ang tingin ko kay Ceros pagkatapos niyang ikwento ang lahat ng iyon sa akin. I even squinted my eyes to look at him intently.

"W-What?" Mukhang pinakaba ko siya dahil sa titig ko. Aba't dapat lang talaga siyang kabahan, no!

"'Yon na 'yon? Ni hindi mo ba iku-kwento kung paano mo hinalikan, hinawakan at sinamba ang katawan ni Catherine dahilan para magka-anak kayo?"

Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Baby…" Akmang hihigitin niya ang beywang ko palapit sa kanya pero tinampal ko iyon at tinalikuran siya. Akala ko ay makukuha ang bwesit ang gusto kong iparating pero iniyakap nito ang braso niya sa may bandang tiyan ko dahilan para mahila niya ako palapit sa kanya.

And now, we are cuddling on my bed.

Nasa probinsya kami ngayon at bumisita kina Ate Dhon at dahil mag-asawa na, sa dating kwarto ko kami tutuloy pansamantala bago kami tumulak pabalik sa Maynila bukas ng hapon.

It's been a month na since ng kasal namin nitong si Ceros at isang buwan na rin akong buntis. We have our own house sa Maynila at dahil mahal ko ang bwesit na ito, pumayag at pinagtiyagaan ko ang buhay syudad. Bumibisita lang kami rito dahil gusto niyang malaman at makita kung saan ako nanaginip noon. He already shown his so I can't decline him with this one.

Si Cloven? Of course, kasama namin siya. Iiwan ko ba naman ang panganay ko sa Maynila? No-no. Kung nasan kami ni Ceros, ando'n din siya dapat. Unless kung hinihiram siya ni Catherine kaso bibihira naman mangyari 'yon kaya mas madalas siya sa 'min ni Ceros. Ngayon, ando'n siya sa sariling kwarto ni Cheska natulog. Magkasama silang dalawa. Doon na namin siya pinatulog para may kakwentuhan siya bago matulog. Tsaka maliit kasi ang kama ko rito sa kwarto, kami lang ni Ceros ang kakasya. At isa pa, mga bata pa lng naman 'yon. Wala naman siguro silang gagawin na himala, di ba? Sana, ayaw ko pa kayang maging instant Lola.

Ay, oo nga pala, hindi nag-a-undergo ng menstruation si Cheska kaya napaka-imposible pala talaga.

Ngayon, balik tayo rito sa asawa ko na idinadaan sa lambing ang pag-aalis ng inis ko.

"Huwag mo akong ma-baby baby, Cecarios  Berzelius! Kunyare pang naghirap, namiss ako at umiiyak pero ang totoo naman ay sarap na sarap ka sa piling ng 'Kat-kat' na 'yon. Well, hindi naman kita masisisi. Ang laki nga naman talaga ng ano no'n e. Hmp!"

"Oh, come on, Aesha! Matagal na natin itong pinag-usapan. Hindi ba?"

"Matagal na nga pero dahil sa kwento mo ay pag-uusapan talaga natin ito ulit. Hmp!"

Sinubukan kong alisin ang yakap ng braso Ceros pero dahil mahigpit ang kapit niya ay bigo ako. Mayamaya ay nararamdaman kong hinihimas ni Ceros ng may pag-iingat ang tiyan ko. Napalingon tuloy ako sa kanya at bumungad sa akin ang nakadungaw na Ceros sa akin habang direksyong nakatingin sa tiyan ko.

"Little baby, you're making things harder for Daddy. Please, calm your Mommy for me," mahina niyang sabi at ang kausap ay ang hindi pa nga fetus na baby sa loob ng tiyan ko.

Gusto kong umirap, singhalan siya ulit at itulak palayo dahil naiirita ako ng sobra sa pagmumukha niya pero ang senaryong 'yon ay nagpainit sa puso ko at para bang may mga kamay na kumikiliti sa tiyan ko. Kaya hindi ko mapigilang pagmasdan na lang siya.

Hays, I can watch this forever. Kahit paulit-ulit pa ay hinding-hindi ako magsasawa. To see him beside me, adoring my one month old pregnant tummy with the sweetest smile, made me so happy.

In addition, he is true. Hindi ako delusional, nagha-hallucinate at kung ano pa man. Totoo talaga siya. In flesh, here in front of me.

Worth it ang lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa loob ng panaginip na 'yon. Worth it ang mga luha. Worth ang sakit. Kung ganito ba naman na klase ng happy ending ang maiibibigay sa akin, hinding-hindi ko pagsisisihan ang lahat ng 'yon. Lahat tatanggapin ko at kung ulitin man ay pareho lang ang mga desisyon ko. Siya't siya ang pipiliin ko.

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon