MC 6

144 15 6
                                    

MC 6: The Plan

"Si Ceros F. Trueblood ang binangga mo, Binibini. Huwag ka nang umasang makakalabas ka pa dito sa kulungan ng buhay."

Para akong na-estatwa dahil sa nalaman ko. May dalawa pa lang Ceros sa mundong ito! At pareho pa sila ng apelyido.

"B-bakit naman? Siya  ba ang prinsipe para ipapatay ako?"

Tinapangan ko ang sarili ko kahit kinakabahan na talaga ako.

"Mabuti pa nga sana kung ang prinsipe ang binangga mo, baka nakalabas ka na sana pero dahil malas ka, iyong mayabang niya pang alalay ang nakaaway mo."

Hindi ako nakaimik sa lalaki. Naalala ko kasi iyong masamang tingin sa akin ng lalaking Ceros din daw na iyon. Kaunting parte ng sarili ko ay naniniwala kay Manong pero iyong ibang parte, slight lang. Hindi naman siguro, 'di ba? Friends naman kami ng isang pang Ceros kaya baka mabalitaan niya at tulungan ako.

Bakit nga ba kasi may dalawang Ceros, magka-iba naman ang mukha? Dalawa ba ang kanang kamay ng prinsipe kaya't ang kinuha niyang right hand man ay dalawa rin with matching same names pa? Hay, mababaliw na talaga ako sa mundong 'to.

"N-nga pala, paano mo naman nalaman ang mga iyan? Akala ko ba ay hindi pa lumalabas ng palasyo ang prinsipe at ang mga kanang kamay niya?"

Tumawa ang lalaki. Tsk! Isa na namang baliw.

"Mukha ba akong galing sa labas ng palasyo?" Tapos ngumisi siya ng mapang-asar.

"Bakit? Galing ka ba sa loob?"

Tumawa na naman ang lalaki. "Bakit mo sinagot ng tanong ang tanong ko?"

"Ikaw rin naman ah!"

Tumawa na naman ang lalaki. Pst! Baliw. Baka ito ang ka-meant to be ni Engkanto, hindi niya pa nga lang nakikita. Kaso mukhang mas bata ang lalaking ito. Sugar mommy niyan ang labas ni Engkanto.

Natigil ang pagtawa nito nang bumalik si Ceros version 2.0. Dumiretsyo ito sa selda ko at binuksan niya sabay pasok at hila sa akin palabas. Ang itsura ay seryoso pa rin.

"M-Makakalabas na ako o papatayin mo na ako? Alin do'n ang gagawin mo?"

Tumigil siya at tinignan ako. Syempre, kinabahan ako ng sobra. Ano ba naman kasing klaseng kwento ang isang 'to? Isang araw pa lang ako dito pero may papatay na agad sa akin. Natatakot na tuloy ako sa mga susunod pang mangyayari sa mga susunod pang araw. Kung unang araw pa lang ay ganito na, baka bukas nito ay ibibitay na ako.

"What a good idea you got there, Lady."

Nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil sa katotohanang nakakatakot ang tingin niya at alam kung banta ang sinabi niya, kundi dahil sa pag-english niya.

W-What?! Akala ko ba nasa setting ang Filipino Language sa kwento na ito? Bakit may nag-english bigla na karakter?

"Foreigner ka?" Hindi ko tuloy mapigilang itanong. Kasi naman.

Ilang saglit akong tinignan ni Ceros 2.0 na para bang ako si Spongebob in real life pero mayamaya ay hinila na ulit ako. Katulad ng dati ay busangot na naman ang mukha niya.

"S-saan mo ako dadalhin?" Tanong ko ulit pero hindi sinagot ng bwesit. Imbes ay patuloy lang siya na para bang hinahabol siya ng aso.

Kaso, wait nga lang! Masyado ang nadala sa pag-english niya pero akala ko ba ay hindi ko na siya papalapitin pa sa akin? E, bakit nagpapahila ako sa lalaking 'to?

Kaya't ang ginawa ko ay buong lakas kong hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Isang gulat lang na ekspresyon ang binigay nito sa akin na para bang nasa harap niya ngayon si real Kokey pero nang nawala iyon ay sapilitan niya ulit akong hinila.

Malditang Cinderella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon