Chapter 15: Partner
Friday na ngayon ang bilis lang ng araw magfaflatshoes lang ako sa saturday ayoko magheels kasi hussle nga wala pa akong kaalam-alam kung anong itsura ng event wala silang sinabi pero baka magarbo yun.
Kumakain kami ng breakfast ngayon ni Fiona dahil maaga ako nagising ako ang nagluto ngayon."Alam mo curious ako diyan sa partner mo?" sambit ko sakanya habang nagsasandok ng fried rice.
"Ah ayon ba si Xaveon yung apo ng may ari ng hardware shop si Mr. Yushio Carpiento may lahing intsik." - Fiona.
"Tapos nako kailangan ko ng umalis bye." paalam niya abala na si fiona sa trabaho niya tuwing breaktime lang siya nakakapagpahinga. Niligpit ko na ang pinagkainan at hinugasan na ito.
Nang matapos ako sa hugasan pumunta nakong kwarto at naligo na. Ginawa ko na lahat ng morning routine ko hanggang sa nakabihis nako ng pangtrabaho maaga nila ko pinapunta ngayon dahil wala si Madam Trina nastockup sa Tagaytay na hindi ko alam kung kailan babalik.
Panigurado nandoon lang yon sa resthouse ng ex-boyfriend niya kasama ang mga gangmates ng ex-boyfriend niya. Dati kasi siyang leader ng gang tapos biglaan siyang umalis dahil maagang namatay ang lolo niya kaya sakanya ito pinamana itong kompanya.
Pagkadating ko palang sa opisina andami na kaagad nilang sinabi sa akin at maraming ibinigay na papeles. Mukhang anong oras na ata ako makakauwi nito.
***
"Yes, madam."
"Okay po, copy po. Ingat po kayo diyan."
Nasa tagaytay nga si Madam bukas pa ang uwi. Malakas daw kasi ang ulan doon kaya hindi kaagad siya nakalarga dito may pinuntahan din silang project doon dahil isang charity event yon para sa mga batang nasa ampunan. Isa yung secret project ni Madam na hindi niya pinapasabi kahit kanino dito sa akin niya lang mismo sinabi ngayon.
Habang abala ako sa pagtatype sa laptop nagvibrate ang cellphone ko at may new text message galing kay Deon. Ano na naman kayang kailangan nito?
From: Deon
Busy ka?
Samahan mo ko.Nagtipa kaagad ako ng reply ko.
To: Deon
Sorry.
Hindi kita masasamahan.
I'm busy.From: Deon
Okay and please ayokong hindi ka susulpot sa reunion. Partner pa naman din kita.To: Deon
Opo no!From: Deon
Hahaha good!Sana nakita ko nalang iyang tawa niya sa personal joke lang nagfocus nako sa pagtatype sa laptop. Kung ano man ang mangyari sa event na yon andyan si Deon sa tabi ko sana lang din huwag niya kong iwanan doon ay andoon pala si fiona.
Kinakabahan ako na naeexcite sa mangyayari binabasa ko ang ginawang letter ng employee at kailangan ko pa itong iedit. Nasa kaligtnaan na ko ng pagbabasa ng magvibrate ulit ang cellphone ko.
From: Deon
Don't be nervous, I'll be by your side as long as you're always by my side. Okay?Say what? Bakit naman alam niya mind reader ba siya? Huwag kang ganyan deon pafall ka no? Hahaha!
To: Deon
As you wish.
Huwag mo rin akong iwan doon.From: Deon
Bakit?
Sinabi ko bang iiwanan kita doon?To: Deon
Ah hindi.From: Deon
See! Kaya huwag kang mawawala sa paningin ko doon dahil hindi ko alam kung saan ka hahagilapin, Allura.To: Deon
Opo sir!He didn't text back! Aba naman. Kaya nagbasa nalang ulit ako ng document kung anu-ano ng sinasabi niya ginawa ko nalang ulit yung mga gagawin ko. Si Deon kasi nagtext pa mind reader din ang isang yon bakit alam niyang kinakabahan ako? Nako ah.
***
Nandito nako sa apartment kagigising ko lang dahil pagkauwing-pagkauwi ko diretso kaagad ako sa kama ko grabe ang dami kasi nilang pinasa na documents sa akin tnignan ko yung phone ko dahil kanina pa vibrate ng vibrate ito.
From: Deon
Hey! Can we meet?
Busy ka pa ba?To: Deon
Nasa bahay nako.
Bakit?From: Deon
Let's meet.
Hidden Lane CaféTo: Deon
Ngayon na?From: Deon
Yeah.Bakit? Para saan? Ano ba naman tong si deon? Bakit kaya? Nagsuot lang ako ng pastel pink na shirt at nag maongshort lang. Bahala siya dyan biglaan na naman to ah! Nagtaxi nalang ako papunta doon. What's with him?
Pumasok na ko sa loob ng café buti nalang kaunti lang ang tao ngayong hapon nakita ko na kaagad siya suot ang dress shirt na white ito na nga siya.
"Hey." i greeted.
"Take a seat." - Deon.
Masyado naman tong seryoso.
"Bakit ganyan yang suot mo?" magkasalubong ang kilay niyang sabi sa akin at iniwas ang tingin. Luh! Problema nito.
"Bakit anong masama dito?" magkasalubong din na kilay na tanong ko sakanya.
"Ayokong ganyan iyang suot mong short." cold na sabi niya sabay bigay sakin ng coat niya inilagay ko yun sa baba para matakpan ang legs ko. Hindi na ko nakasagot sakanya dahil dumating na ang inorder niyang pagkain tahimik lang akong kumain ng inorder niya habang naglalaptop siya tsaka ko nagsalita.
"Ano bang paguusapan natin? saad ko.
"Just finish your food may pupuntahan tayo." saad niya at nagtype ulit sa laptop niya at katulad nga ng sinabi niya may pupuntahan daw kami.
We're here at the mall dito lang pala nakasunod lang ako sa kanya bali magkapantay lang kami pumasok kami sa isang mamahaling clothing line grabe besh ginto na naman ang presyo ng bibilhin niya guys! E, di siya na haha!
"Wala kapa palang susuotin?"
"Wala kaya nga nagpasama ko sayo."
Inabot sakin ng sales lady yung tux at isang leather jacket.
"Ikaw saan dyan?" tanong niya sakin.
"Ito!" sabay kuha ko ng leather jacket bagay naman sakanya kahit hindi niya pa suotin kahit ano namang shirt pwedeng ipangloob niya may gray shirt doon siguro ayun ang ipapartner niya tapos pants na faded pwede or yung simple lang.
"Okay let's pay." binigay niya na sa counter yung credit card niya madali lang nila inasikaso yung binili ni Deon na damit. Pagtapos nun ay nagaya siyang manood ng sine kaya pumayag narin ako nakita ko siyang abala sa panonood ng palabas na hindi ko maintindihan. Ang random nito sakin wait huwag niyang sabihing date to? Inaya niya ko kumain sa coffee shop tapos nagpasama pa siya sa sakin para bumili ng susuotin niya sa reunion then ito yung sa sine.
Oh my gosh! Wait, Deon? Ano ba talaga to? Ano to! At lastly hindi ko alam kung bakit pinagbabawalan niya rin akong magshort ng maiksi eh ano ba that's the way how i dress kapag wala namang pupuntahan eh di sana pala nagjeans nalang ako no hindi naman kasi ako ready.
Ewan ko ba sa lalaking to! Akala mo talaga--ay wag na nga wala pala yon. Naweweirduhan lang naman kasi ako sa mga kinikilos niya sakin. Hindi kaya! Hmm? Nevermind. Basta ang masasabi ko lang iba to sa akin hindi ko talaga mapaliwanag pero parang ang gaan lang sa loob nito sakin lalo na't nakakasama ko siya.
BINABASA MO ANG
Have You Forgotten
Teen Fiction[ ON-GOING ] Have You Forgotten? How do I started to get up and get up again for the future and forget the pain of the past? I hope it's that easy to forget everything. Meet Allura Macraine Jang when she about reminiscing her life story. How wil...