[Now Playing: Kidult by SEVENTEEN]
***
Chaptee 24: Break Up
Dumating na ang lunch break namin at gaya nga ng sinabi niya susunduin niya ko seryoso nga talaga yung mukha niya.
I can't read his emotion ewan ko pero parang may kakaiba lang ako na maling nararamdaman like something is wrong at hindi ko alam kung ano iyon.
Umorder na siya ng pagkain at sabay type ulit sa laptop niya.
"After this were going to the place na kung saan ang location sa project." saad niya habang may tinatype pa don sa laptop niya. Hala! Bakit? Yung gamit ko paano yun?
"Wala ka na dapat ikabahala. Nasa kotse na yung mga gamit mo pinaprepare ko na kay Fiona lahat at pinaalam narin kita." dagdag pa niya. Wow naman talaga!
"Ay grabe! Hindi mo naman sinabing prepared ka no?" Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko.
Ganon ba talaga kalayo yung pupuntahan namin bakit may padala pa ng gamit pa siyang alam jusmio! For sure alam na din ito ni Madam Trina hays. Hindi narin kami nagtagal sa coffee shop at binilisan ko nalang pagkain ko baka pagmadaliin na naman ako nitong lalaking to!
Napakabugnutin pa naman.
Pagkatingin ko nga sa likuran ng sasakyan andoon ang kulay itim kong maleta mukhang bakasyon ata ang pupuntahan ko hindi proyekto pinaghandaan din ata nito ni madam sa akin.
Buong biyahe si Deon ang nagdrive sinabi ko sakanya na kapag pauwi na kami ako nalang ang magdadrive naawa naman ako.
***
Nakarating nadin kami sa location kung saan ginagawa palang yung katabing building ng casa na sinasabi ni Deon sa akin tapos doon sa hotel kami pinatuloy at yung private pa ang kinuha niya pero tag-isa kami ng room bawal share nako po! Tinulungan niya kong dalhin yung gamit ko kahit kaya ko naman winelcome din kami ng mga staff dito.
"Goodmorning ma'am and sir. One room po?"
"No just two separate room please." Deon said.
"Okay, sir." nakangiting sagot naman nung babae.
Ibinigay na sa amin yung sarili naming susi para sa magiging kwarto ko at sa kwarto rin niya.
"Okay lang ba sayo ito?" saad niya habang binibigay sa akin yung mga gamit ko.
"Oo okay nako dito." nakangiting sambit ko naman.
"Just knock on my door kapag may kailangan ka pa okay?" - Deon.
"Yeah, thank you." sagot ko naman.
We stayed here for 5 days ayon ang sabi ni Madam sa akin mabuti nalang dinala ni fiona yung laptop ko.
In those five days with Deon andaming ganap akala ko nga bakasyon pero hindi nagkamali nagkamali pala ako tuwing breakfast, lunch and dinner lang kami nagkikita sobrang dami lang talagang kailangang asikasuhin.
Madam bakit hindi mo sinabi na ganito pala kahirap! May meeting pa ako with staff dito sobrang sakit na sa ulo. Totoo nga yung sinasabi nila na habang nagkakaedad ka nakakastress nga talaga.
From: Deon
Let's talk.Kaagad akong nagtipa ng reply na papunta na ako. I guess this is a serious talk that i'm with him. Ewan feel ko lang may importante siyang sasabihin sa akin.
Nasa malapit lang kami na coffee shop. Ano kayang sasabihin nito sa akin.
"Take a seat." malamig na sabi niya sa akin.
"Ano bang sasabihin mo?" nakakunot na noo kong tanong sakanya.
"I'm leaving this month." seryosong sabi niya sa akin.
Ano?!
"Ha? Bakit? Teka lang bakit ka aalis?" takhang tanong ko.
"For our business. Si Dad may pinapa-asikaso sakin sa Los Angeles." umiwas siya ng tingin. Nagsimula nang tumulo ang mga nagbabadya kong luha. Oh geez! What i'm crying? Shit!
Ano? Aalis siya? Shit. Allura! Bakit ka umiiyak! Nakakahiya ka!
"Allura, wait!" sigaw pa niya sa akin. Umalis nako ng coffee shop at tumakbo papuntang hotel room ko nilock ko ang pintuan at iniyak ang lahat doon.
Bakit pa siya nagpaalam sa akin? Hindi niya na lang gawin. Ayoko sa lahat ng ganito eh.
Ayoko naman siyang pigilang umalis kasi wala naman akong karapatan magkaibigan lang naman kaming dalawa. Hays. Wala! Wala akong karapatang magalit sakanya.
Si Deon isa din pala siya na aalis sa buhay ko sana nalang hindi na siya nagpaalam sa akin. Ayokong maramdaman to yung ganitong pangyayari natatakot nakong mapagiwanan ulit lalo na yung taong napamahal na sa akin na naging malapit sakin.
Hinihiling kong isang panaginip nalang to! Sana hindi ko nalang narinig yung sinabi niya sakin na aalis siya. Ang sakit! Sana kasi hindi nalang ako bumaba at nakinig sa sasabihin niya sa akin. Sana hindi ko nalang sinunod eh di sana hindi ako nagkakaganito ngayon.
Nakakainis ka Deon Lee! Bakit kailangan mo pang umalis? Bakit? Iiwan mo din pala ako tapos babalik na naman kayo. Ano ba! Please naman huwag niyo naman akong ganituhin ulit! Sobrang sakit mapagiwanan eh! Ang sakit. Sobra!
Simula bukas hahayaan nalang kita para kung dumating yung araw na pagalis mo hindi na ko ganon iiyak sayo. Oo tama! simula bukas hahayaan nalang kita.
Nagtext nako kay Madam na babalik nako pauwi, hindi ko sinabi sakanya kung anong nangyari dahil magaalala lang yon ganon din kay Fiona. Inihanda ko na yung mga gamit ko para bukas handa na ko para umuwi na bukas.
Hindi ko ulit makakaya kapag nakita ko na naman siya kung aalis din naman siya. Sana ganon lang kadali ang lahat may isang taong iiwanan din ako at si Deon pa talaga.
Bakit ganon? Sobrang hina ko kapag nakita ko yung taong mahal na mahal ko na aalis gusto ko siyang pigilan eh na huwag pumuntang LA pero wala kong magawa ayaw kumilos ng katawan ko para pigilan siyang umalis.
Deon, bakit ka ba ganyan sobrang hirap mong gustuhin sa sobrang hirap nakakasakit ka ng damdamin.
BINABASA MO ANG
Have You Forgotten
Jugendliteratur[ ON-GOING ] Have You Forgotten? How do I started to get up and get up again for the future and forget the pain of the past? I hope it's that easy to forget everything. Meet Allura Macraine Jang when she about reminiscing her life story. How wil...