Chapter 2

61 25 1
                                    

note: guys itong chapter na to tungkol ito sa pagkakakilala ni allura at ni syd (ex-boyfriend niya) kaya mapapansin niyo na nauna sa simula hanggang sa mga susunod pang kabanata. So ayun lang guys. i'll hope you like it and hope you enjoy this new chapter of have you forgotten. thank you & take care always. Lovelots.



***

Chapter Two: "It's Him Again!"




Pinaghiwahiwalay ni sir yung mga upuan namin kasi may exam pala kami ngayon syempre hindi ko naman nakalimutan yon nakapagreview pa nga ako ganun din si Fiona. Tumayo nako at ipinasa na kay sir ang test paper.


Exactly three-thirty ng hapon ng matapos ang lahat lumabas na sila ng classroom dahil ayon na ang last subject namin. Paglabas ko palang ng pintuan ng classroom nakita ko na ang nakangiting mapang-asar na pagmumukha ni Syd.

Ano ba naman yan! Hindi ba niya talaga ko titigilan! Nakakainis na siya.

"Hey! Allura. Sabi ko naman sayo magkikita't magkikita tayong dalawa. Wanna join us?"


"Alam mo bakit hindi ka nalang humanap ng ibang mapapaglaruan mo no!" mataas ang kilay na salubong ko dito.


"Allura, Ito nga pala yung--Hi Syd. Anong ginagawa mo dito?" bigla namang ngumiti itong si Fiona. Siniko ko siya at pinandilatan ng mata!


"Oh, hi! You're Fiona, right?" nagpakilala si Syd kay Fiona tinanong pa nga niya yung pangalan alam naman niya! Tumango lang si Fiona bilang sagot niya at hindi maalis ang ngiti sa Syd na ito.


"Guys. I just want to treat Allura. Since ako naman nakapulot ng wallet niya at gusto ko lang makipag-kaibigan. So yeah ayun ang pinunta ko dito." nakangiti pa ring sabi niya.


"Ano prend? Libre niya daw sasama ka ba? Dali na!" bulong naman niya sakin. Lumingon na ko sakanya at nakangiting nagsalita rin.



"Thank you nalang pero kailangan na naming umalis eh. Bye!" nauna na kong sumakay sa kotse.




"Allura! Ayaw mo pa alam mo andami-daming gustong maging kaibigan si Syd tapos ikaw tatanggihan mo lang ang alok niya. Wow! Iba ka girl ah!" pagpasok niya palang sa passenger seat ayan na kaagad ang bungad niya sakin.



"I don't want to be close to anyone, to that Syd. Okay! Kilala mo naman siya di ba? Sikat siya sa school natin at ayokong mabalitaan na isa ako sa mga biktima niyang mga ganong laro-laro alam ko na yung mga ano niya wala akong balak makipagclose or makipagkaibigan sa mga lalaking ganon." pag-eexplain ko sakanya.



Isa din siyang kilala na apo ng may ari ng school namin at ang kanyang grandfather ay kinikilala bilang isa sa mga respetado at mayaman sa buong South Korea na si Mr. Deometry Alcarde Faustino.

Yes po, pangalan palang karesperespetado na. Actually hindi ko pa siya nakikita ang kanyang nagsisilbing mga mata niya ay yung mga tagapamahala ng paaralan ng Lousville Academy and once he enter this school ang sabi nila "no one can hate him and degrade him." Nakakatakot daw kasing magalit itong si Mr. Deometry. He's very disciplinary person. Ilang year na rin kasi ang tinagal ko sa paaralang ito no! Kaya sanay nako sa pasikot-sikot na gawain ng mga estudyanteng nagaaral din rito sa Lousville Academy.



"Allura! Ayaw mo ba sa mga lalaki? Yung totoo ah! Sagutin mo ng totoo at yung maliwanag." sabi ni Fiona.




"Alam mo, Fiona. Hindi naman sa ayaw ko sakanila or hindi ko sila gusto ang akin lang naman may tamang panahon diyan. Ayoko muna dahil ayaw ko lang stress na nga tayo sa school tapos mag-gaganyan pa." sambit ko habang pinapark na sa bahay itong kotse.



Have You ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon