Chapter 28

45 25 2
                                    

Chapter 28: Text







"Kanina ka pa tahimik diyan? Anong nangyari sa paguusap niyo ni Deon?" tapik sakin ni Fiona nandito kami sa bahay ko ngayon tapos naman na yung trabaho namin napagisipan ko na matulog siya dito nagpasundo kasi siya kaya sinabay ko nalang may mga extrang damit naman ako na pwede kong ipahiram sakanya.

"Gusto niyang makipagbalikan sakin kahit wala namang kami. Ewan ang gulo di ko alam." saad ko habang kinakain itong fried rice na niluto ni Fiona.

"Gagang to! Bakit hindi mo binalikan ay nako!" sambit niya sabay irap sakin.

"Huwag muna ngayon masyado kong maraming iniisip." tumayo na ko at niligpit iyon uminom narin ako ng tubig at gamot ko na iniinom ko tuwing gabi parang vitamins narin iyon nitong mga nakaraang araw nagkakasakit ako baka sa panahon siguro.

"Magcomeback na kasi kayo ayaw pa nako basta doon rin yan papunta tamo!" nakangiting sabi niya sakin.

In-on ko na yung tv at nagnetflix nakita ko namang papunta si Fiona dala ang pop corn na kanina niyang minicrowave binigay niya sakin ang isang bowl ng popcorn na flavored caramel at ganon din ang sakanya.




***

Nang matapos namin ang palabas nauna ng natulog si Fiona kesa sakin pumasok na siyang guest room at ako naman ay niligpit muna itong mga mangkok at nilagay sa lababo para hugasan.

Pumunta nakong kwarto at nagsimula ng night routine ko nang matapos ako humiga na ko sa higaan at hinawakan itong cellphone ko simula nung nakipagkita sakin si Deon kanina hindi ko pa ginagalaw itong cellphone ko nung tinext lang ako ni Fiona ayun lang ang nakita kong huling message and the rest wala na sinilent ko kasi.


Pagbukas ko palang ng message ko puro sa office yung mga text nila yung iba naman sa messenger nagpersonal message pa talaga sila pero isa doon ang ipinagtaka ko.

From: Deon
Kung ayaw mong pagusapan ang tungkol sa atin. Ako na mismo gagawa ng paraan para bumalik ka ulit sa akin, kahit naguguluhan ka pa ngayon. Allura, can you please stay with me?

When I read his text literal na napaisip na naman ako nasabunot ko na nga itong buhok ko sa sobrang frustrate. Tsk! Ano baaaa! Huwag namang ganito naguguluhan na talaga ko.

To: Deon
Then prove it to me kung mananatili ako sa iyo huwag mo na akong bitawan kasi kapag binitawan mo ko ulit, huwag mong asahan na may babalikan ka pa kasi ayoko ng mapagiwanan ulit.

From: Deon
Tutuparin ko iyon huwag ka lang mapunta sakanya ulit.

To: Deon
Kanino?!

From: Deon
Nevermind.
Thank you for replying me even if you still hate me. Take care. Goodnight.

Anong sabi niya? Ano? Wait lang loading pa ako aish! Bakit pa kasi nagreply. Ang tanga lang, Allura! Nagtalukbong nalang ako para makaidlip na napakagaga ko lang talaga! Kahit hindi ko naman aminin waaah! Oh noes! Why am I smiling right now? Kinikilig amp! Let's face the consequence tomorrow!

For now all i need to do is to sleep. Oo, kailangan ko yun ngayon haha! Bakit kasi bumalik ka pa!


___

2 chapters left...

Have You ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon