[Jk]Kinusot ko lang ang mga mata ko dahil sa pag-gising sakin ni Manong.
"Jk gising na Andito na tayo sa terminal yung pang Chixsk ko!"Nilahad niya ang palad sa harap ko.
Mukhang pera na may kasamang Chixsk!
Pilit na ngumiti"Teka lang po!Hindi pa nga po nakakatapak sa Semento ang sapatos ko Maniningil na kayo.Hayaan niyo muna akong maalis dito sa Tricycle !"Inis kung sabi.
"O sige!" Inalalayan niya akong makalabas.
Ang sikip pala ng Tricycle na yan.Sa sobrang pag-mamadali ko.Hindi ko napansin lumiliit na space Dito!."Ingat ka Jk Sa Alona City!Andyan na ang pala ang Bus.Ingat ka!"Malambing na sabi.
Iniabot ko sa kanya ang pera."Yan lang naman ang gusto niyo kaya huwag niyo na akong daanin sa mga matatamis na salita!" Pag-tukoy ko sa Kanya!.
Sumeryoso ang Mukha nya."Hindi naman dahil sa pera Nag-aalala lang ako talaga sayo.Mabait ka kaya Jk!"
Tumanggo ako"Okay po !Sige po Alis na ako"Paalam sa kanya.Inayos ko ang Bag kung dala at Sumakay na sa Bus.
"Mga ilang minuto na lang aalis na to Sakay na pero bayad kayo!"Sigaw ng Barker at Rinig na rinig ang pag-tawag nya sa Loob ng Bus.
Matiwasay akong nakaupo.Sinipat ko ang Pam-bisig na relo 3:09 Palang ng hapon .5:00 naman ang Sunset minsan naman paiba-iba ang oras ng sunset.Masama ang Loob ko kapag may ulan sa hapon.
"Hoy!Umalis ka nga Dyan sa Upuan ko!" Napatingin ako sa kanya.
Upuan !?.
Tinuro ko ang sarili para makasigurado kung ako nga ang kausap niya.Luminga-linga pa ko."Ako ba ang pinaalis mo sa Upuan ko?"Lumapit siya sakin.Niyakap ko lang ang bag na nasa kandungan.
Nakakatakot ang Mukha ng lalaking to"Alis na sabi ehhh!"Pinilit niya akong mapaalis sa kinauupuan pero ipag-lalaban ko to.
"Hindi naman sayo ang Bus na to.Nag-bayad naman ako ng Tama Ha.Kaya wala kang karapatan na paalisin ako dito.Mag-hanap ka na lang ng ibang upuan marami pa naman dyan" Alok ko.
Mas lalong namuo ang galit sa mukha nya.Lagot."Matigas kang Babae ka ha!" Pinikit ko lang ang mga mata sa pagdampi ng kamao niya sakin.
"Bitawan mo ako!"
"Hindi naman kita hinahawakan kaya pano ako bibitaw?."Tanong habang Natatakot sa kanya.Nakakakatakot ang masaktan ng di mo alam ang dahilan.
"Bwesit hindi ikaw,Bobo!"Sigaw niya.
"Kung gusto mo ng Aawayin andito ako pwede mo akong maging numero unong Kaaway!"Boses yun ng Lalaki.
"Bitawan mo ako!Dahil masakit!" Dinilat ko ang mga mata.Isang gwapong lalaki ang may hawak sa lalaking mataba.Nasa likod nito ang dalawang kamay.
"Masakit pala sayo tapos gagawin mo sa isang Babae!" Pag-tatanggol niya sakin.
"MASAKIT NA NGA!ARAYYY!"Makikita mo sa kanya ang nararamdamang sakit.
Hindi ko naman natiis kaya."Bitawan mo sya,Nasasaktan na,Awat na !" Awat ko sa lalaking nag-ligtas sakin.
Inalis ko ang kamay niya sa likod ng lalaki
"Ang bastos mo pinapahiya mo ang mga kalahi natin,Bwesit!"Galit na galit sya makikita mo sa panga ang galit!.Binitiwan naman ang Lalaki.Umaaray pa ito sa sakit "Umalis ka na bilisan mo baka hindi ako makapagpigil na bugbogin ka ngayon!"Banta sa Papaalis na Mataba.
BINABASA MO ANG
Sunset (ALONA SERIES 1)
Genç KurguJashmine kleah Glien /District Story 1(Dunna) COVER IS NOT MINE BUT THANKS TO THE OWNER!GOTCHA!.