Chapter 3

1.6K 63 12
                                    

Chapter 3: Review

"There are four sections in 9th grade, but we'll have a two representatives out, and the other two will be the school's representative in division..."

Ipinaliwanag sa amin ni Miss Albert ang mangyayari, magkakaroon kami ng short quiz dito sa loob ng eskwelahan at ang dalawang mananalo naman ay ang ilalaban sa ibang eskwelahan dito sa Tipolo.

Binigyan kami ng tig-iisang white board at marker, simple lang ang gagawin namin, ipa-flash ang tanong sa projector at isusulat namin sa whiteboard ang sagot, and the count of five seconds we need to raise our answers. As simple as that.

Medyo naalala ko tuloy 'yong Keiro Blint, ano kaya ang section niya o grado? At bakit hindi siya nakasali rito alam kong matalino at magaling siya sa subject na 'to kaya nagtataka ako at hindi ko siya nakita, baka naman may iba siyang sinalihan kaya ganoon.

Pinilig ko ang aking ulo. Dapat hindi ko siya iniisip, ang weird masyado.

In-arrange ang puwesto namin ang nasa pinakadulong upuan ay iyong Alexander may isang bakanteng upuan sa tabi niya bago si Ash, may upuan ulit sa pagitan nila ni Zirdy Ivan, ganoon rin sa pagitan namin.

Tahimik akong nagdasal. Nai-enjoy ko tuloy ito kahit medyo nakakakaba, it's my first time after all, hindi pa ito pangmalakasan may division pa.

"Okay, students, get ready for question number one..."

Pinindot ni Miss Albert ang mouse ng kaniyang laptop dahilan nang pag-flash ng tanong sa projector.

A proton within the nucleus of an atom has what charge?

A) Positive
B) Negative
C) No Charge
D) None of the above

Isinulat ko ang letra'ng A sa white board, of course alam ko 'to.

"In 1..2..3..4..5... UP!"

Sabay-sabay naming itinaas ang whiteboard. May scorer sa gilid ni Miss Albert at inililista ang mga score namin sa papel.

"All got the correct answer."

Napangiti ako at binura na ang nakasulat sa whiteboard para sa susunod na tanong, napabaling ako sa lalaking nasa gilid ko, nagtama ulit ang paningin namin, kaagad naman akong nag-iwas.

What is the main energy transfer for an electric iron?

A) Sound
B) Heat
C) Kinetic
D) Steam

Sinulat ko ang 'B'. Simple, because electric energy is converted in to heat energy.

"Representative number 3 and 4 got the correct answer! We still have remaining questions, focus, students."

Napa 'O' ang aking bibig. Sunod-sunod kasi ang bilang namin ang 1 ay si Alexander, tapos sunod-sunod na, ako ang nasa huli kaya ako ang number 4. It means si Zirdy Ivan at ako ang nakakuha ng tamang sagot.

A magnet is moved in a coil of wire not attached to anything, what is induced?

A) Resistance
B) Current
C) Voltage
D) None of the above

Nanlaki ang mata ko, hindi alam kung ano ang sagot. Mukhang nakalimutan ko yata o sadyang hindi ko lang alam? Ilang segundo lang kaya wala akong choice kun' 'di hulaan.

Pinili ko ang 'C' dahil feeling ko iyon ang tama.

Napapikit ako nang itinaas namin ang answer, kinakabahan.

"Representative 1 and 4 got the correct answer!"

Napadilat ako ng mata. Did I hear it right? I guess, the luck was mine.

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon